top of page
Search
BULGAR

Leave of absence sa mga single, ipinatupad sa Quezon

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 5, 2021



Binigyan ni General Luna, Quezon Mayor Matt Erwin Florido ng paid leave of absence ang mga single employees ng city government para sa Huwebes, February 11 upang makahanap umano ng “forever” para sa Araw ng mga Puso.


Sa Facebook post, saad ni Florido, “PARA SA MGA LGU EMPLOYEES NA SINGLE: “Pinapayagan ko kayong mag-LEAVE sa February 12. Ilaan n’yo ang buong araw sa paghahanap ng inyong forever upang makaabot kayo sa February 14.


“With pay ang leave n’yo, kasi naka-support ako sa pinagdadaanan n’yo. Ok? Lab u! “PS. Dahil holiday nga pala ang February 12 at Chinese New Year, maaari kayong mag-file ng leave sa February 11.


Mahaba-haba ang oras n’yo para maghanap.” Ito ay ipinatupad ni Florido upang mapasaya umano ang mga empleyado ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page