top of page
Search
  • BULGAR

Leading man sa movie, solo sa GMA Gala… KATHRYN, MAS PINILING KASAMA SI DOMINIC KESA SI ALDEN

ni Nitz Miralles @Bida  | July 24, 2024



Showbiz News
Photo: Alden Richards Kathryn Bernardo / IG

Kung tama ang tsika, ngayong araw raw ang lipad ni Kathryn Bernardo pa-Canada para sa shooting ng Hello, Love, Again (HLG) nila ni Alden Richards. ‘Yun ay kundi mababago ang flight schedule niya dahil sa Bagyong Carina.


Hindi sila sabay na umalis o aalis for Canada ni Alden dahil ang aktor ay sa July 27 pa raw ang alis. Nalungkot ang shippers nina Alden at Kathryn na hindi sila sabay, natuwa naman ang mga fans ni Kathryn at ilang KathNiel fans na ayaw pa ring magtambal ang dalawa lalo na kapag naging sila.


Panay pa rin ang pamba-bash kay Alden ng mga fans ni Kathryn, na ayaw sa kanya at ayaw nilang matuloy ang HLA. Natatalo lang sila dahil mas marami ang may gusto na muling magtambal ang dalawa, lalo na ‘yung mga nakapanood ng Hello, Love, Goodbye. Gusto nilang malaman ang ending ng love story nina Joy (Kathryn) at Ethan (Alden).


Samantala, natuwa ang mga bashers ni Alden na hindi niya kasama si Kathryn sa GMA Gala 2024. Si Dominic Roque ang kasama ni Kathryn, siya at iba pang kaibigan ang magkakasama na nag-celebrate ng birthday ni Dominic.

Inintriga nga ang caption ni Kathryn, sa post niya na noon lang niya nadiskubreng may dimple raw pala si Dominic. Ibig sabihin daw, tinitigan niya si Dominic Roque na hindi yata niya ginawa sa panahong sila’y magkasama.


Panay pa rin ang pamba-bash kay Alden ng mga fans ni Kathryn, na ayaw sa kanya at ayaw nilang matuloy ang HLA. Natatalo lang sila dahil mas marami ang may gusto na muling magtambal ang dalawa, lalo na ‘yung mga nakapanood ng Hello, Love, Goodbye. Gusto nilang malaman ang ending ng love story nina Joy (Kathryn) at Ethan (Alden).


Samantala, natuwa ang mga bashers ni Alden na hindi niya kasama si Kathryn sa GMA Gala 2024. Si Dominic Roque ang kasama ni Kathryn, siya at iba pang kaibigan ang magkakasama na nag-celebrate ng birthday ni Dominic.


Inintriga nga ang caption ni Kathryn, sa post niya na noon lang niya nadiskubreng may dimple raw pala si Dominic. Ibig sabihin daw, tinitigan niya si Dominic Roque na hindi yata niya ginawa sa panahong sila’y magkasama.


 

May kasunod agad na project si Ruru Madrid kahit magtatapos pa lang this Friday ang Black Rider (BR). Nabalitang makakasama siya ni Dennis Trillo sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng GMA Pictures at GMA Public Affairs na Green Bones

Well, suspense-drama ang tema ng pelikula, hindi pa ang dream ni Ruru na action film, pero ang maganda rito, masu-sustain ang visibility niya after ng BR.


Kundi kami nagkakamali, first time na magkakasama sa isang project sina Dennis at Ruru at isa pang ikinaganda ng project, mapapatunayan ni Ruru na hindi lang siya pang-action. Bukod kay Ruru, si Sofia Pablo pa lang ang in-announce na kasama sa cast at si Zig Dulay naman ang director ng MMFF entry.


Anyway, last Wednesday na ngayon ng Black Rider at gaya sa ipinangako ni Ruru at ni director Rommel Penesa, matitinding action scenes ang mapapanood ng mga viewers sa last three nights ng action packed series. Heroic finale ang tawag ng production team sa magiging ending ng series at para malaman kung bakit, tutukan ang natitirang episodes ng series.


And speaking of Ruru, kahit ito matatawa kapag nabasa ang comment ng mga fans sa kanyang suot sa GMA Gala 2024. Bakit daw may tapyas sa tiyan ang suit ni Ruru at parang nasasakal ang leeg ni Bianca sa kanyang suot. Sinagot naman ito ng isang fan nina Ruru Madrid at Bianca Umali, na high fashion ang peg ng magdyowa.  


 

MAY mga hindi nagustuhan ang pagtulong ni Barbie Forteza kay Herlene Budol

nang madapa ito habang rumarampa sa GMA Gala 2024. Agad kasing tumakbo si Barbie nang makitang nadapa si Herlene, kahit may sarili siyang ganap sa kabilang dulo ng stage.


Inakusahan pa si Barbie na gimik ang ginawang pagtulong kay Herlene, promo rin daw ‘yun para sa world premiere ng Pulang Araw sa July 29, sa GMA-7. Sinabayan daw ni Barbie at nag-take advantage sa scripted na pagkadapa ni Herlene at may tumawag pang fake ang concern kay Herlene.


Samantala, nagtanong tuloy ang isang casual fan kung bakit na-bash si Barbie na wala namang ginawa kundi tumulong. Granted na malayo siya sa stage, kaya nga siya tumakbo para malapitan agad si Herlene.

Comment pa ng isa, bakit parang kasalanan pa ni Barbie na nadapa si Herlene?


Pinapalabas ng mga bashers nito na ginusto niyang madapa si Herlene para maka-eksena siya. Bagay na inalmahan ng netizens, pati ng mga non-Barbie fans.

Samantala, para sa boyfriend ni Barbie na si Jak Roberto, ang girlfriend niya ang best dressed sa GMA Gala 2024. Walang komontra sa comment nitong “My best dressed for GMA Gala 2024.”


Bongga!


 

HINANAP pa namin kung nasaan si Michael V nang makita ang post niya sa GMA Gala 2024 na magkakasama sa photo sina Bea Alonzo, Tim Yap, Ms. Annette Gozon-Valdes at Vice Ganda. Halos di makita si Bitoy at kundi izu-zoom in, hindi siya makita.


Actually, hindi siya kasama sa nagpa-picture, pero kung babasahin ang caption niya sa post, matatawa ka at talagang hahanapin si Bitoy.


“Matagal ko nang sinabi sa sarili ko na gusto kong makasama sina Bea Alonzo, Vice Ganda at si Annette Gozon-Valdes in one photo.

“Thanks to #GMAGala2024, nangyari na rin finally! Thank you rin sa @niceprintphoto. Ipapa-frame ko. #DreamsDoComeTrue.”

Ang daming natawa sa post ni Bitoy at napa-comment ng laughing emoji si Bea Alonzo. Nakakatawa rin ang mga comment ng mga kaibigan ni Bitoy. Laugh trip talaga!



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page