ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 24, 2023
Inuudyok ni DILG Secretary Benjamin "Benhur" Abalos Jr. ang mga local chief executives (LCEs) na huwag maging "missing in action" (MIA) at manatili sa kanilang mga pinamumunuan sa panahon ng mga kalamidad.
Inilahad ni Abalos ang kanyang mensahe para sa mga LCEs sa Samar, lalo na sa gitna ng krisis sa rehiyon. Kasunod ito ng isang briefing sa Tacloban City na dinaluhan ni Pangulong Bongbong Marcos at mga miyembro ng Gabinete, kung saan tinalakay ang epekto ng shear line at low-pressure area na nagdudulot ng malawakang pagbaha sa Northern Samar at mga kalapit na lugar nito.
“This is enshrined in the DILG's Operation Listo Manual, LCEs must be present before, during and after any disaster,” aniya.
Binigyang diin din ni Abalos ang mahalagang pangangailangan ng pagkakaroon ng LCEs sa panahon ng mga paghihirap, dahil sila ang may responsibilidad na ipatupad at bantayan ang mga disaster response measures sa kanilang mga lugar.
Comments