ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Feb. 9, 2025
Photo: Vina Morales - Instagram
Ipinahiram lang pala ng ABS-CBN (Star Magic) si Vina Morales sa GMA Network, kaya magbibida ito sa bagong seryeng Cruz vs. Cruz (CVC) kasama si Gladys Reyes.
Hindi pumirma ng kontrata si Vina sa Kapuso Network at per project lang ang appearance niya rito.
Ganunpaman, masaya pa rin si Vina dahil makakatrabaho niya ang ilang Kapuso stars na dati niyang kaibigan, tulad na lang ni Gladys Reyes na kagrupo niya dati sa That’s Entertainment (TE).
Single pa rin ngayon si Vina at kabe-break lang nila ng boyfriend niyang AFAM na si Andrew Kovalcin. Dalawang taon silang naging magkarelasyon.
Marami rin namang naging suitors si Vina Morales. Nagkaroon siya ng anak sa businessman na si Cedric Lee, si Ceana, na ngayon ay 16 years old na.
Sa estado ng buhay ni Vina ngayon, pangarap pa rin daw niya ang makasal sa lalaking gusto niyang makasama habambuhay. Hindi pa naman siya hopeless case sa kanyang love life, darating din ang kanyang Mr. Right sa tamang panahon, pero hangga’t maaari, ayaw na niyang umibig at makipagrelasyon sa isang AFAM. Ang gusto pa rin niyang mapangasawa ay isang Pinoy.
IPINAGMAMALAKI ni Sen. Bong Revilla, Jr. ang action seryeng Tolome! Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis (TWMNPSMNM) Season 3, na magtatapos na ngayon.
Hindi nila tinipid ito, at action-packed ang bawat episode. Maihahalintulad daw ito sa isang malaking action movie dahil sa laki ng production cost.
Ginastusan nang husto ang lahat ng aspeto, at ibinigay din ng buong cast ang kanilang effort upang lumabas na maganda ang mga eksena.
At sa sobrang excitement ni Sen. Bong sa kanyang ginawang action scenes, nakalimutan niya ang kanyang injured legs. Nagawa pa rin niya ang buwis-buhay na pagsagip sa kanyang asawang si Gloria (Beauty Gonzalez), na kinunan sa ilalim ng dagat.
Masaya at magaan ding katrabaho ang cast ng TWMNPSMNM tulad nina Niño Muhlach, Dennis Padilla, Leo Martinez, Carmi Martin, Jestoni Alarcon, Mae Bautista, atbp.. May special guest appearance rin ang GMA Primetime Princess na si Jillian Ward.
Para kay Sen. Bong Revilla, Jr., itinaas nila ang antas at level ng paggawa ng isang action-serye sa telebisyon tulad ng TWMNPSMNM upang ma-appreciate ng mga viewers. Para na rin silang nanood ng isang malaking action movie.
DAHIL sa nangyaring insidente sa event ng isang award-giving body, muling napansin at nabuhay ang career ng veteran actress na si Eva Darren. Nagkasunud-sunod ang kanyang TV guestings, at nasama siya sa cast ng isang bagong serye. Muli siyang nakilala at naalala ng lahat.
Maraming senior stars ang nakisimpatya sa kanya, at bumuhos sa social media ang suporta ng mga netizens. Kaya naman, marami ang natuwa para kay Eva nang kunin siya sa commercial ng isang malaking fastfood chain.
Bongga ang concept ng nasabing commercial, at tiyak na makaka-relate rito ang mga senior citizens.
Maraming sikat na senior stars ang tinalbugan ni Eva sa pagkakapili sa kanya na lumabas sa commercial ng sikat na fastfood chain.
Napahiya man siya noong isnabin ng isang award-giving body, dobleng blessings naman ang dumating sa kanyang buhay!
Napapa-‘SANA ALL!’ na lang ang ibang senior stars sa suwerteng dumating kay Eva Darren.
BIYUDA na rin ang dating aktres na si Jackie Aquino (pinsang buo ni Kris) at naging GF ni Roderick Paulate. Pumanaw na ang kanyang mister na si Mark Vincent Gavino, na isang design consultant. May dalawa silang anak na babae.
Hindi na aktibo sa paggawa ng pelikula si Jackie, pero may show siya sa Net25.
Matatandaang naging karelasyon siya noon ni Roderick Paulate (Dick), pero nagkahiwalay din. Ganunpaman, they remained good friends at nagkukumustahan pa rin.
Nagkita raw sila ni Dick recently, at alam nito na biyuda na siya.
Articulate at matalino si Jackie Aquino, tama lang na magkaroon siya ng TV show.
Sayang nga lang at tumigil siya sa pag-aartista nang siya ay mag-asawa na.
Sa pagkakaalam namin, nag-aral din siya ng Law, pero hindi niya nagawang tapusin.
Commentaires