ni Gerard Peter / VA - @Sports | February 13, 2021
Bunsod ng patuloy na pagtaas sa kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa mga bansa sa Middle East, opisyal nang kinansela ang nakatakdang Doha bubble para sa third window ng 2021 Fiba Asia Cup qualifiers.
Nauna na ring naglabas ng mensahe ang Saudi Basketball Federation sa kanilang social media account na nagsasabing ikakansela na ang mga larong may kinalaman sa Saudi Arabia, Qatar, Syria at Iran na nasa Group E, base umano sa inilabas na paumanhin ng Qatari Federation hinggil sa kanilang hosting. The SBP is saddened by the development especially because we know the kind of work that our Gilas Pilipinas Men’s pool has done in Calamba,” wika ni Panlilio sa kanyang statement. “The players and coaching staff have all sacrificed so much in this process as they’ve been apart from their families to represent the Philippines against South Korea and Indonesia. We are looking forward to seeing them perform because we know that a lot of Filipinos draw inspporation from them as well during these difficult times,” dagdag ni Panlilio na tumatayo ring PLDT Chief Revenue Officer at Smart President and Chief Executive Officer.
Nito ring nagdaang Martes ay kinumpirma ng FIBA Regional Office Asia sa Beirut, Lebanon na ipagpapaliban na ang laban sa pagitan ng Hong Kong at Guam sa Bahrain, Manama sa Pebrero 19 at 21 dahil naman sa paghihigpit sa pagpapapasok ng Bahrain sa kanilang bansa. “FIBA Regional Office Asia has confirmed that the FIBA Asia Cup 2021 Qualifiers games between Hong Kong and Guam scheduled to take place in Manama, Bahrain on February 19 and 21 have been postponed due to restrictions imposed by the Bahrain authorities,” ayon sa FIBA website.
Gayunpaman, itutuloy pa rin umano ang nakatakdang laban sa pagitan ng New Zealand at Australia sa Pebrero 20 sa Cairns, Australia. “The other Group C game between New Zealand and Australia will take place as scheduled on February 20 in Cairns Australia. The status of those games will be decided at a later stage.
Isa rin sa mga koponang nakatakda sanang magtungo ng Doha ang Gilas Pilipinas para maglaro sa huling yugto ng qualifiers sa Pebrero 18 - 23 na magtatalaga kung sinu-sino ang mga makakapasok sa continental tilt sa Agosto. Sa darating na Sabado na ang nakatakdang pag-alis ng Philippine men's basketball team ngunit hanggang noong isang araw habang sinusulat ang balitang ito ay wala pa silang natatanggap na komunikasyon mula sa FIBA kung tutuloy pa sila o hindi. Pero kahapon ay kinumpirma na ito ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.
Inilahad na ang official statement mula sa FIBA hinggil sa estado ng nasabing 3rd window games. Ang kanselasyon sa Doha bubble ay nakaapekto sa tatlong grupo sa qualifiers. Ang mga ito ay ang Group A na kinabibilangan ng Gilas, Korea, Thailand at Indonesia; ang Group B, na binubuo ng China, Japan, Chinese Taipei at Malaysia at ang Group E na kinabibilangan ng Iran, Syria, Saudi Arabia, at ng host Qatar.
Nauna rito, nagsabi ng hindi makakalaro ang Chinese Taipei at Malaysia dahil pinag-iingatan nila ang kalusugan ng kanilang teams.
Comments