top of page
Search
BULGAR

LAPD, susuriin ang ‘ketamine’ na pumatay kay Matthew Perry

ni Angela Fernando @News | May 22, 2024


Iniimbestigahan ng Los Angeles Police Department (LAPD) ang ketamine na ikinamatay ng 54-anyos na “Friends” actor na si Matthew Perry, ayon kay LAPD Capt. Scot Williams.


Kasali rin sa pinagsamang imbestigasyon na ginagawa sa kasalukuyan ang US Drug Enforcement Administration at ang US Postal Inspection Service, ayon sa isang post ng LAPD sa social media kamakailan.


Matatandaang natagpuan si Perry nakalutang nang nakadapa sa pool ng kanyang tahanan sa Pacific Palisades nu'ng Oktubre 28, 2023, ay nasawi dahil sa nakamamatay na epekto ng ketamine at pagkalunod base sa ulat ng autopsy ng Los Angeles Medical Examiner’s Office.


Nanguna ang Robbery-Homicide Division ng LAPD sa paunang imbestigasyon dahil kilalang aktor si Perry, at patuloy na inaalam ang pinagmulan ng ketamine matapos ilabas ang ulat ng autopsy nu'ng Disyembre, halos dalawang buwan pagkatapos ng pagkamatay ng aktor.


Hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye si Capt. Williams tungkol sa imbestigasyon, ngunit ipinahiwatig niyang ito'y “criminal in nature.”


Nakilala ang Emmy-nominated na aktor bilang si Chandler Bing sa NBC sitcom na “Friends” mula 1994 hanggang 2004, kasama sina Courteney Cox, Matt LeBlanc, David Schwimmer, Jennifer Aniston, at Lisa Kudrow. Lumabas din siya sa mga pelikulang “Fools Rush In,” “The Whole Nine Yards,” at “17 Again.”el at Palestine ang mga alegasyong idinidikit sa krimen sa digmaan, at kinondena ng mga kinatawan ng magkabilang panig ang desisyon ni Khan.

留言


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page