ni Ambet Nabus @Let's See | September 4, 2024
Mukhang ine-enjoy ng pamilya ni Carlos Yulo (Caloy) ang showbiz at ang mga intrigang dulot nito. Matapos ang mga guesting ni Caloy at ng kanyang girlfriend na si Chloe San Jose sa mga kilalang TV shows at networks tulad ng Eat…Bulaga! (EB) sa TV5 at ASAP sa ABS-CBN, pati na rin ang pakikipagkita kina Coco Martin, Andrea Brillantes at Francine Diaz, tila papunta na sa showbiz work ang kanilang mga ganap.
Ayon sa balita, pumayag na si Caloy na mag-guest sa Batang Quiapo (BQ) ni Coco Martin, pero dapat daw ay isang araw na taping lang. May mga nagsasabing baka ma-enjoy ni Caloy ang paminsan-minsan na pag-pamper ni Coco kaya baka ang isang araw ay maging dalawa o tatlo, na posibleng makaapekto sa kanyang training bilang gymnast.
Si Chloe naman, na dati nang umaapir sa mga TV shows, ay mukhang nakinabang din sa kanyang pagiging girlfriend ni Caloy para mapansin ang kanyang talento sa singing at dancing.
Samantala, mukhang nakuha rin ng nanay ni Carlos Yulo ang atensiyon ng publiko dahil sa lakas ng online selling nito at mga raket na nagbebenta ng iba’t ibang bagay gamit ang kasikatan ng kanyang anak.
Sino ba naman ang hindi sasabay sa mga isyu kung pinagkakakitaan na nila ito?
Ex-GF, mukhang ate ng aktor…
MAVY, MAS NAGMUKHANG BATA NANG MAHIWALAY KAY KYLINE
PINAG-UUSAPAN ang pag-trim down o pag-lose ng weight ni Mavy Legaspi. Maraming katrabaho niya ang nagsasabing mas bumagay sa aktor ang kanyang bagong hitsura — mas payat, mas fit, at tila nagpabata pa.
Proud na proud naman si Carmina Villarroel sa pagbabagong ito ng kanyang anak, na tila nakabangon na mula sa mga negatibong balita na dulot ng pagkaka-link nito kay Kyline Alcantara.
Well, may mga nagsasabi ring bongga ang naging proseso ng pag-move on ni Mavy matapos ang nasabing failed romance. May mga bashers pa ring nagsasabing kahit pagkumparahin ang “looks” ngayon ng dating magsing-irog, magmumukhang “ate” si Kyline kay Mavy.
Nakakaloka, sa tagal na nilang nagkahiwalay, bakit kaya hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang tunay na rason ng kanilang breakup?
TULUYAN nang napag-uusapan sa media na si Korina Sanchez ang papalit sa mababakanteng hosting chores ni Karla Estrada sa Face to Face (FTF).
Bukod sa hindi na magre-renew ng contract si Karla dahil sa plano nitong pagpasok sa pulitika (magpa-file na siya ng candidacy by October), may plano ang TV5 production na i-rebrand ang iskandaloso at mapangahas na FTF show.
Ayon sa aming sources, mas ibabagay daw sa talino at ganda ni Korina Sanchez ang show kung sakaling pumayag ito at magkasundo sa mga bagay na dapat i-improve sa programa.
Sey pa ng aming mga kausap, “Siyempre, iba ang awrahan at magiging balitaktakan kahit pa ordinaryong kaso o extra-ordinary cases ang isyu sa show. Matagal nang gamay ni Korina ang ganitong format mula sa Kayo Ang Humatol (KAH) show n’ya noon hanggang sa mga lifestyle at Rated K (RK) show n’ya ngayon. Swak na swak ang ganda, talino, values, at personalidad ni Korina.”
And yes, lalagyan na raw ang show ng public service component at soon livelihood, para hindi lang diskusyon, awayan o bardagulan ang mga ganap.
Bongga naman kung mangyayari ito!
Comments