ni Zel Fernandez | April 24, 2022
Umapela si Health Sec. Francisco Duque III, kamakailan, sa Talk to the People, na magpabakuna na ang lahat laban sa mga nakahahawang sakit kasabay ng pag-alala sa World Immunization Week, simula ngayong Linggo, Abril 24 hanggang Abril 30.
Ang World Immunization Week na mayroong temang “Magpabakuna na! Long Life for all, kaya sa Healthy Pilipinas!” ay may layuning isulong ang pagbabakuna sa mga bagong silang na sanggol, kabataan, buntis, at nakatatanda laban sa mga nakamamatay na sakit.
Tiniyak ng kalihim na lahat ng bakuna sa bansa ay ligtas, epektibo, at nagbibigay ng proteksiyon sa buong komunidad. Aniya, ang pagbabakuna ay nagbibigay ng pagkakataon sa lahat ng mga Pilipino upang magkaroon ng mahaba at malusog na buhay.
Anang kalihim, kaugnay ito ng panawagan ng kawani na magpabakuna na ang lahat laban sa nakahahawang sakit tulad ng kasalukuyang COVID-19 virus, upang masugpo ang patuloy na paglaganap nito sa pamamagitan ng pagpapalakas ng herd immunity sa bansa.
Samantala, muling ipinaalala ni Duque na ang mga bakuna sa mga health centers ay walang bayad o libre.
Comments