ni Clyde Mariano @Sports | April 12, 2023
Mataas ang morale at nasa kanila ang momentum sa panalo sa Game 1, tatangkain ng Barangay Ginebra Kings na kunin ang pangalawang sunod na panalo sa muling pakikipagharap sa TNT Tropang Giga ngayon sa Smart Araneta Coliseum.
Haharapin ng Kings ang TNT ng 5:45 pm at determinadong manalo para palakasin ang title retention bid na nakuha sa Meralco Bolts ni coach Norman Black.
Tiyak na sasamantalahin ni coach Tim Cone ang pagkakataong talunin muli ang TNT na hawak nang kanyang dating player na coach Jojo Lastimosa at lumapit sa podium at panatilihin ang pangunguna sa Governors Cup. “We’ll try to win again and solidify our hold of the title,” sabi ng 64-anyos na American mentor mula Oregon at target ang pang 26th PBA title mula 1994 kasama ang dalawang grandslam noong 1996 at 2014.
Tinalo ng Barangay ang TNT sa Game 1, 102-90, kung saan tumipa si Justin Brownlee ng 31 points, kasama ang anim na tres at 12 rebounds.
Muling pangungunahan ng 34-anyos na resident import ng Georgia ang opensiba ng Kings laban kay Rondae Hollis Jefferson katuwang sina Christian Standardinger, Jamie Malonzo, Scottie Thompson, Jeremiah Gray at Aljon Mariano. “It’s going to be tough out there. We’ll try our best to win anew,” sabi ni Brownlee habang naglalakad palabas ng Big Dome.
Hindi naman makakapayag at pipilitin ni coach Lastimosa at kanyang players na makabawi at itabla ang serye dahil sa sandaling matalo uli ay malalagay sila sa alanganin na makabalik sa podium na huli nilang natamasa noong 2021 Philippine Cup laban sa Magnolia 4-1 sa ilalim ni coach Chot Reyes. “We have to regroup and regain our composure in Game 2. We cannot afford to lose this game. We have to win at all cost,” sabi ng 59-anyos na interim coach at 10x PBA champion ng Cagayan de Oro City.
Kailangan maglaro nang husto si Jefferson at ang mga locals na sina Mikey Williams, Roger Pogoy, Calvin Oftana. Jayson Castro, John Paul Erram at Glenn Khobuntin.
Comentarios