ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | January 29, 2024
Dear Maestro,
May problema ko tungkol sa love life. May dalawa akong girlfriend ngayon. Ang una ay tawagin na lang nating si Ms. Leo, na isinilang noong August 16, 1997 at ang ikalawa naman ay tawagin nating si Ms. Taurus, na isinilang noong May 7, 2001.
Pareho ko silang mahal, nakakasama at nakakatalik. Kaya lang, kailangan ko nang mamili sa kanilang dahil niyayaya na akong magpakasal ni Ms. Leo at natatakot akong magkabistuhan o may mabuntis sa kanila.
Kaya ang tanong ko ay sino sa kanilang dalawa ang dapat kong piliin at pakasalan upang magkaroon ako ng maligaya at panghabambuhay na pamilya? Ang birthday ko ay January 2, 1997.
Umaasa,
Capricorn Boy ng Santa Ana, San Mateo, Rizal
Dear Capricorn Boy,
Kung purong Numerology ang pag-uusapan, pareho mong ka-compatible ang dalawa mong girlfriend na sina Ms. Leo na 16 o 7 (ang 16 ay 1+6=7) ang birth date at si Ms. Taurus na may birth date na nagkataong 7 rin. Dahil kapwa sila pinaghaharian ng planetang Moon-Neptune, na sadyang tugma at ka-compatible ng birth date mong 2.
Kung saan sa Numerology, dahil pare-parehong weak number ang 2 at 7, compatible kayong tatlo sa isa’t isa.
Gayunman, kung Astrology naman ang pagbabatayan, higit na ka-compatible ng zodiac sign mong Capricorn si Ms. Taurus na may zodiac sign na Taurus kung ikukumpara kay Ms. Leo, na may zodiac sign na Leo. Ang Taurus at Capricorn ay may iisang elementong tinataglay at ito ay ang elementong earth o lupa.Sa madaling salita, sa Astro-Numerology na pag-aanalisa, si Ms. Taurus ang dapat mong piliin sa dalawa mong girlfriend dahil siya ang higit mong ka-compatible at tunay na katugma.
Kaya malinaw na ang dapat mong maging piliing girlfriend ay si Ms. Taurus na nagtataglay ng zodiac sign na Taurus upang sa iyong pag-aasawa ay matiyak ang maligaya, maunlad at panghabambuhay na pagpapamilya.
תגובות