top of page
Search
BULGAR

Lalaking ‘di naliligo, compatible sa 25-anyos na babae

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | Pebrero 12, 2024


Dear Maestro,


Marami na akong nakarelasyon, pero lahat sila ay nauwi rin sa wala. Sa ngayon mayroon akong nobyo, sa social media kami nagkakilala, pero nagkita na kami at naging maayos naman ang lahat.


Ayon sa kanya, two years na siyang hiwalay sa live-in partner niya at may bago na rin umanong ka-live-in ‘yung babae kaya malaya na raw siya. Okey naman ang pagde-date namin at magaan din ang loob namin sa isa’t isa. 


Sa palagay n’yo ba magtatagal ang aming relasyon? Siya na rin kaya ang itinakda sa akin ng kapalaran na makasama ko habambuhay? 


Ang birthday ko ay February 12, 1999 habang August 4, 1998 naman ang birthday ng boyfriend ko. 

 

Umaasa,

 Yvena Valerie ng Minuyan Proper, SJDM, Bulacan

 

Dear Ms. Yvena Valerie,


Ayon sa Oriental Astrology, tunay ngang ka-compatible mo ang Leo dahil siya ang ka-opposite attract mo. Kung saan, ang Aquarius ay air type sign habang ang Leo naman ay fire type sign. 


Sa aktuwal na pangyayari, air ang nagpapalakas ng siklab at alab ng mahinang apoy, kaya naman complementary compatible na matatawag ang relasyong Aquarius at Leo.


Dagdag pa rito, ang birth date na 13 o 4  (ang 13 ay 1+3=4) ng lalaking tinutukoy mo ay siya rin namang numero ng zodiac sign mong Aquarius dahil ang Aquarius na under sa planetang Uranus ay may katumbas na numerong 4. 


Kaya sa pisikal na deskripsiyon at mga gawain, kung may pagka-weird at kakaiba ang kanyang trabaho, ang nature ng kanyang propesyon o background ng kanyang pamilya at sa personal naman niyang buhay, kapag tila hindi siya naliligo at laging aburido sa kanyang pagmumukha, ito ay mga palatandaang siya na ang lalaking itinakda sa iyo ng kapalaran.


Mapapansin mo kaya naging ganyan ang resulta ng iyong “Astro-Numero-relationship chart analysis”, sapagkat kung matatandaan mo, noon ay malimit kang mahiwalay.


Bagkus, tulad ng nasabi na, ang nakatakda talaga sa iyo ay ang lalaking may kakaibang pagkatao, propesyon o background ng kanyang pamilya.


Samantala, ayon sa iyong Love Calendar, umikot man nang umikot sa kabiguan at pakikipaghiwalay ang iyong karanasan sa larangan ng pag-ibig at pakikipagrelasyon, sa panahong itinakda ng kapalaran, mapapanatag din ang lahat. 


Sa paghinto ng roleta ng kapalaran, makakasumpong ka na ng tunay at pangmatagalang relasyon na nakatakdang mangyari ngayong 2024 sa edad mong 25 pataas, hatid ng isang lalaking nagtataglay ng unique na pagkatao o kakaibang istilo ng personalidad at ang lalaking makakasama mo sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya na may  zodiac sign na Leo.


0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page