top of page
Search

Lalaking 2 beses mabibigo sa pag-ibig

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | Enero 26, 2024



KATANUNGAN

  1. Hindi pa ako nagkaka-girlfriend, kaya nais ko malaman kung sino sa dalawang babaeng nililigawan ko ang magiging nobya ko? ‘Yung una ay si Ms. Leo, isinilang noong August 19, 2002 habang ‘yung pangalawa ay si Ms. Libra, isinilang noong September 30, 2004. Sino sa kanila ang magiging first girlfriend ko? Ang birthday ko ay September 16, 1999. 

  2. Maestro, ngayong taon kaya ako susuwertehin sa pag-ibig?


KASAGUTAN

  1. Ayon sa iyong mga datos, Jeric, dalawang kabiguan sa pag-ibig ang nakatakda sa iyong harapan na inilarawan ng dalawang bilog na hugis o island sa kaliwa at kanan mong Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a. at b.).

  2. Ibig sabihin, ang unang kabiguan ay mild lang ang sakit na mararamdaman mo. Kung saan, masasabing mabibigo ka pero hindi naman gaano katindi o kalakas ang impact ng kalungkutan. At ito ang nakatakdang mangyari sa 2 dalagang nililigawan mo. Ano pa’t safe nating sabihing magiging girlfriend mo sila, lalo na siyang may birthday na September 30, 2004, subalit dahil hindi mo naman siya tunay na katugma o ka-compatible, pagkatapos ng mga ilang buwan,  magugulat ka dahil biglang magbabago ang damdamin niya para sa iyo at ang dating mainit na suyuan ay mauuwi rin sa wala. Puwede rin nating sabihing panandalian lang, pero matapos ang isang buwan, maglalaho at matutunaw na rin ang nabuong ugnayan.

  3. Gayunman, pagkatapos ng mga ilang buwang kalungkutan, madali ka namang makaka-recover, pagkalipas ng ilang buwan si Ms. Leo naman na isinilang noong August 19, 2002 ang magiging girlfriend mo, pero tulad ng naranasan mo kay Ms. Libra hindi rin magtatagal ang inyong relasyon na inirepresenta ng ikalawang maliit na bilog o island sa Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

 

MGA DAPAT GAWIN

  1. Matapos mong mabigo kina Ms. Libra at Ms. Leo, sino ang susunod mong magiging girlfriend? Malinaw ang sagot d’yan, ayon sa iyong mga datos, Jeric, matapos kang mabigo sa dalawang nabanggit na babae, magkaka-girlfriend ka ng isang babaeng may zodiac sign na Cancer, kung saan ang inyong relasyon ay medyo magtatagal, pero hindi rin siya ang iguguhit ng kapalaran sa kaisa-isa at magandang mong Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow c.).

  2. Bagkus ang sakto at pangmatagalan mong magiging girlfriend hanggang sa tuluyang mapangasawa na inilarawan ng kaisa-isa mong Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow c.) ay ang babaeng may zodiac sign na Taurus, na nakatakdang mangyari at maganap sa taong 2027, sa edad mong 28 pataas. Kung saan sa panahong iyon, makakapag-asawa ka na at tulad ng nasabi na, sa piling ng babaeng may zodiac sign na Taurus, makakabuo kayo ng isang maunlad, maligaya at panghabambuhay na pamilya.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page