ni BRT | March 24, 2023
Isang 25-anyos na lalaki ang inaresto matapos mag-bomb joke sa MRT Shaw Boulevard Station sa Mandaluyong.
Inireklamo ang lalaki ng MRT matapos umanong magbiro na may bomba ang kanyang kasama kaya hindi sila makausad sa pila papasok ng istasyon ng tren.
Sa bisa ng Presidential Decree No. 1727 o Anti-Bomb Joke Law, bawal ang mga naturang biro sa mga pampublikong lugar gaya ng mga airport, pier, at istasyon ng bus at tren dahil maaari itong pagmulan ng kaguluhan.
Ang parusa sa nasabing biro ay pagkakakulong umanong aabot sa 5 taon at multa na hindi hihigit sa P40,000.
Aminado umano ang lalaki sa kanyang nagawa.
Comments