ni Julie Bonifacio @Winner | Mat. 4, 2025
Photo: Raquel Relucio Pempengco at Jake Zyrus - IG, FB
“Wala akong paki” ang pasaring ng ina ni Jake Zyrus (dating Charice Pempengco) na si Raquel Pempengco sa kanyang mga bashers pagkatapos sumabog ang mga rebelasyon ng kanyang anak sa socmed (social media).
Few hours before namin ginawa ang aming kolum na ito ay may Instagram (IG) Story si Raquel na ipinost kahapon.
Isang masaya, nakaayos at malusog na short video ang ipinost ni Raquel habang sumasayaw na tila nang-aasar sa kanyang mga bashers.
Sa video ay may nakasulat na, “I know the truth that’s why I’m happy.”
May mga mensahe pa si Mommy Raquel para sa kanyang mga bashers sa IG kahapon.
Post ni Mommy Raquel, “Sa lahat ng bashers ko, sige lang, magalit pa kayo, wala pa rin akong pake paki), block and delete lang.”
May inilagay din na caption si Mommy Raquel sa kanyang mainit-init pang IG post: “supermommyraqz ‘PAG AKO ANG NAGSALITA, TALAGANG TOTOO WALANG HALONG SHOWBIZ, KAYA WAG N’YO KО PILITIN. LALABAS ANG KATOTOHANAN SA LIKOD NG PUNO NG KASINUNGALINGAN…”
Dinagsa naman lalo ng bashing si Mommy Raquel sa kanyang mga ipinost mula sa mga netizens.
Sey nila: “Feel n’ya talaga sobrang ganda n’ya, nagmukha kang nagmamantika na baboy! Baboy ang mukha at katawan, baboy pa ang ugali! Sa impiyerno pa rin ang bagsak mo, hayop!!!”
“It's the bothered one who always says that they are unbothered.”
“OBVIOUS NAMAN NUMBER 1 PRIORITY MO IS PERA, HINDI ANAK MO.”
“You're a mother! You’re supposed to protect your child! Why on earth would you take your brother’s side over your own daughter? You deserve every negative thing that happened or ill happen to you. Shame on you.”
“You call yourself super mommy?... What a shame.”
“Supermommyraqz” kasi ang name ng IG account ng ina ni Jake Zyrus.
LUMIKHA ng ingay ang pagkaka-link ni Mark Herras sa singer na si Jojo Mendrez. Marami tuloy ang naghanap at nag-Google, especially ang new generation, kung sino si Jojo.
Unang pumutok ang name ni Jojo sa music industry sa paggawa ng remake ng mga sikat na kantang Tuyo Nang Damdamin ng Apo Hiking Society, Magkaibang Mundo ni Jireh Lim, at Handog ni Florante.
Nag-click ang mga remake na kantang ginawa niya. Hanggang sa nagmarka na ang pangalan niya sa entertainment industry after ng sold-out concert niya sa Newport Performing Arts Theater last 2018.
Sumunod na taon ay nagkaroon siya ng chance na makapag-audition para i-record ang remake ng kanta ng yumaong aktres na si Julie Vega, ang Somewhere In My Past (SIMP).
Sa 100 na nag-audition, isa si Jojo sa tatlong natira na lang na pumasa. At ‘yun na nga, hanggang siya na ang nakuha para i-record ang SIMP.
Pero nu’ng ire-release na ang remake ng awit na ginawa ni Jojo, dumating ang pandemic noong 2020. Kabilang si Jojo sa tinamaan ng COVID-19 virus at kasabay nito ang pagkawala ng kanyang ama, dahilan para itigil muna ni Jojo ang naantala niyang singing career.
After pandemic, agad na inasikaso at tinapos ni Jojo ang recording ng SIMP arranged by Marvin Querido.
Pagpasok ng 2025, ini-release ang kanta at nakakuha ng over 50 million collective views on social media at nanguna rin sa FM radio stations.
Naging maganda ang simula ng taon ni Jojo dahil bukod sa pag-hit ng remake niya ng Julie Vega song na SIMP, pumirma siya ng recording contract sa Star Music.
Unang inilabas ng Star Music ang original song niya na Nandito Lang Ako at kasunod nito ang iba pa niyang compositions and remakes. Isa na raw sa ire-remake ni Jojo na mapapasama sa album niya sa Star Music ay ang Tamis ng Unang Halik na kinanta ni Tina Paner.
Walang duda na 2025 ang taon ng tinaguriang “Revival King” na si Jojo Mendrez. Si Mark Herras kaya ang nagdala ng suwerte sa kanya?
Let’s see.