top of page
Search
BULGAR

Lalabag sa guidelines sa operasyon ng PNP at PDEA, lagot!


ni Lolet Abania | June 21, 2021



Mahaharap sa kaukulang parusa ang mga pulis at agents na mabibigong sumunod sa ilalatag na uniform guidelines para sa mga operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police (PNP).


Ayon kay PNP Chief Guillermo Eleazar ngayong Lunes, “I would like to stress that those who will not follow the unified rules will face sanctions.” Layon ng PDEA-PNP unified operation guidelines na maiwasan ang anumang susunod pang misencounter at miscoordination sa lahat ng law enforcers.


Binuo ang nasabing guidelines matapos ang fatal shootout sa pagitan ng mga operatiba ng PNP at PDEA sa isang mall sa Commonwealth, Quezon City noong February 24. Kaparehong insidente rin ang nangyari sa Fairview, QC nitong May.


Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, ang unified operational guidelines ay makukumpleto bago matapos ang buwan.


Nagbigay na rin ng direktiba si Eleazar sa mga police unit commanders na siguruhing naipaliwanag nang mabuti sa mga tauhan at dapat na magkaroon ng epektibong superbisyon upang matiyak na ang kanilang personnel ay masusunod ang naturang guidelines.


“Once these unified operating guidelines are finalized and released to our men on the ground, I need the efficient supervision by our ground commanders to ensure that the rules are strictly followed by our operatives,” sabi ni Eleazar.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page