ni Angela Fernando @Entertainment News | September 3, 2024
Ibinahagi ni Lala Sotto-Antonio ang kanyang saloobin sa kontrobersyal na pelikula ni Paolo Contis na “Dear Satan,” na nakatanggap ng X-rating mula sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
Aminado si Lala na na-offend siya sa nasabing film bilang isang Kristiyano dahil ipinapakita dito si Satanas sa isang positibong paraan. Saad pa ng MTRCB chairman, hindi raw ito kailanman magiging mabuti.
“I have seen the film. I joined the board. I am offended as a Christian. It is not demonic, but it has a different depiction of Satan becoming good. But Satan will never ever be good,” saad ni Sotto.
Nagpaliwanag naman ang beteranong filmmaker at Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairperson na si Jose Javier Reyes na ang pelikula ay bahagi ng isang script mula sa workshop ng Movie Workers’ Welfare Foundation (Mowelfund) tungkol sa isang batang babae na humiling kay Santa Claus, ngunit nagkamali at naipadala ito kay Satan na siya'ng tumupad ng kahilingan ng bata.
“[...] Satan came to life and went to the little girl and was humanized by the little girl in the process,” pagpapaliwanag ni Reyes. Wala pa namang komento ang aktor ng nasabing pelikula na si Paolo patungkol sa naging pahayag ni Sotto at ng MTRCB.
Comments