ni Gerard Peter - @Sports | May 14, 2021
Isang koponan na binuo ng magandang samahan, iisang hangarin at maayos na pagmamando ang matagumpay na natagpuan sa coaches at manlalaro ng KCS Computer Specialist Mandaue City upang makamit ang kauna-unahang kampeonato sa Visayas division ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup.
Mailalarawan ni head coach Mike Reyes at defensive guard Ping Exciminiano ang pantay-pantay at kabuuang samahan ng kanilang koponan, na sa anumang mga pagsubok dahil pandemic, injuries at maigsing panahon ng paghahanda, nanatiling buo ang layunin ng lahat na makuha ang pinakamataas na karangalan. “I learned a lot. Many are worried about the bubble pero parang naging plus factor pa kase you get to know each and every individual outside the court, I believe if you get to know each and every individual you can ask the best from them,” pahayag ni Reyes, kahapon sa TOPS: Usapang Sports, via zoom online. “In the basketball side, usually we have time to prepare for the tournament but this one we had 1 month and 1-week, kaya medyo questionable ang ginagawa namin on the court, kaya I address the most important things to be done on the court,” dagdag ni Reyes, na ginabayan ng husto ang koponan upang magapi ang season-favorite na MJAS Zenith-Talisay City Aqustars sa game 3 ng best-of-three finals.
Aminado ang 32-anyos na Olongapo City-native na produkto ng Far Eastern University na si Exciminiano na marami siyang naging adjustments sa pagbabalik sa maayos na laro kasunod ng hamstring injury.
“So ang ginawa ko lang yung mentality ko dapat di ako ma-down kahit may injuries na nangyari yung mga stress kailangan labanan ko yun, ayon 'yung mga ginawa ko, kailangan palakasin ko lang loob ko, need maging positive ako. Nag-try ako na maglaro ulit at 'yung confidence ko bumalik na at di ko iniisip yung injury ko and proud to say na bumalik na yung Ping Exciminiano na nakilala nila dati,” paliwanag niya na kasalukuyan ding nakapirma ng 1-year contract sa Talk “N Text Tropang Giga, na pa- Laoag City upang isagawa ang paghahanda sa pagbubukas ng 46th season ng Philippine Basketball Association (PBA) na tinatarget sa Hunyo.
Comments