top of page
Search
BULGAR

Lakas ng kababaihan ipagdiwang!

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | March 5, 2023



Tuwing Marso, ipinagdiriwang natin ang buwan ng kababaihan at sa darating na ika-8 ng Marso naman ay ating ipagdiriwang ang Pandaigdigang Araw ng Kababaihan.


Sa buwan na ito, ating kinikilala at binibigyang-parangal ang mga naiambag at naitulong ng mga babae sa pag-angat ng ating lipunan.


Magandang pagkakataon din ito para bigyang-pansin ang mga isyung patuloy na kinahaharap ng mga kababaihan at ituloy ang laban para sa pantay na karapatan ng bawat isa.

☻☻☻


Sinimulang ipagdiwang ang Pandaigdigang Araw ng Kababaihan noong Marso 8, 1910 bilang pagkilala sa pakikibaka para sa karapatan ng babae.


Taong 1977 naman nang ipagtibay ng United Nations General Assembly ang isang resolusyon tungkol sa pagdiriwang ng International Women’s Day tuwing sasapit ang ika-8 ng Marso ng bawat taon.


☻☻☻


Hitik ang ating kasaysayan sa mga babaeng malaki ang naiambag sa ating bansa.


Sina Gabriela Silang, Teresa Magbanua, Trinidad Tecson, Gregoria de Jesus, at Melchora Aquino ay ilan lamang sa mga magiting na bayaning nakipaglaban para sa ating kalayaan.


Sa kasalukuyan naman, halos lahat ng sektor ng ating lipunan ay may mga babaeng kayang tapatan o higitan ang kakayahan ng mga kalalakihan.


Hindi nga ba, ang una at kaisa-isang gintong medalya ng ating bansa sa Olympics ay mula kay Hidilyn Diaz?


☻☻☻


Kaisa tayo sa pagkilala sa lakas ng kababaihan at sa pagsulong ng pagkakapantay-pantay.


Patuloy nating bigyang-pugay at pagpapahalaga ang mga kababaihan.


Happy Women’s Month sa lahat!


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

留言


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page