top of page
Search
BULGAR

Lahat tayo babangon basta tuluy-tuloy ang pagtulong

ni Bong Go - @Bisyo Magserbisyo | March 4, 2022



Kapag naghahatid ang ating tanggapan ng tulong sa mga komunidad na apektado ng pandemya at iba pang krisis, may mga nagsasabing, “Salamat po, Sen. Bong Go, at hindi kayo nahinto sa pagtulong sa amin.” Sagot naman nating, “Huwag kayong magpasalamat sa amin. Trabaho namin ang magserbisyo sa inyo…”


At sa abot ng ating makakaya, patuloy tayong magseserbisyo sa inyong lahat.


Noong Pebrero 28, 2022, nagkaloob ang ating tanggapan ng tulong sa 200 na benepisaryo mula sa Parañaque City; at 283 pa mula sa Quezon City.


Unang araw ng Marso ay sa Maynila namahagi ng ayuda ang ating relief team at nabiyayaan ang 166 residente mula sa Ermita; at 166 din mula sa Paco. Dagdag pa rito ang 450 na taga-Caloocan City.


Mas naging abala ang ating tanggapan noong Marso 2 at dinalaw para bigyan ng tulong ang 18 pamilya sa Talisay City, Cebu; 3,000 na benepisaryo mula sa San Isidro, Davao Oriental; 935 na taga-Guagua, Pampanga; 166 sa Blumentritt at 166 sa Pandacan — na parehong lugar sa Maynila.


Kahapon ay nag-abot din tayo ng tulong sa 1,000 kababayan natin sa Quezon City at 510 pa sa Caloocan City.


Bukod dito, tayo’y natutuwa dahil nakaabot na ang Malasakit Center sa pinakadulo ng ating bansa. Nitong Marso 1 ay binuksan na ang ika-150 na Malasakit Center sa Batanes General Hospital sa Basco. Ito ang kauna-unahang center sa probinsiya ng Batanes.


Sinundan ito ng pagbubukas ng ika-151 Malasakit Center sa Quirino Provincial Medical Center, kung saan nagbigay tayo ng tulong sa 70 indigent patients at 512 frontliners.


Kaya anuman ang mangyari sa pulitika, lalo na’t papalapit na ang eleksiyon, sana ay maipagpatuloy at mabigyan ng kaukulang suporta ang mga programang katulad ng Malasakit Centers na nakatutulong sa mahihirap, lalo na ‘yung mga walang matatakbuhan.


Samantala, nitong linggo rin ay binigyang-pugay ng ating mahal na Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang Gabinete na tulad niya ay nagtrabaho nang todo para mabigyan ng mas komportableng buhay ang mga Pilipino sa ilalim ng kanyang termino.


Noong Lunes, Pebrero 28, sinabi ng Pangulo na kung hindi dahil sa tulong ng kanyang Gabinete, baka kakaunti ang kanyang nagawa dahil limitado lang sa anim na taon ang kanyang termino — at sa huling dalawang taon ay may mabigat pang krisis na kinaharap dahil sa pandemya na naging limitado ang pagkilos ng lahat.


Dahil sa magandang performance ng mga ito, masaya umano ang Pangulo na maipasa sa susunod na administrasyon ang matatag na gobyerno na handang ipagpatuloy ang kanyang tungkulin na maipaglaban ang kapakanan ng buong sambayanang Pilipino kahit saan mang parte sila ng mundo.


“We are getting old. As a matter of fact, we are about to make the exit... Ang problema is the next generation. We have to protect the next generation because, if not, then they will have a serious problem in their hands,” ayon sa Pangulo at ito marahil ang pinakaimportante sa kanya — ang maisakatuparan ang ating pangako na mabigyan ng mas ligtas at maginhawang buhay ang ating mga anak.


Alam nating nalulungkot ang Pangulo dahil marami pa sana siyang gustong gawin. Para sa atin, napakaganda ng legacy na maiiwan niya. Ang tanging hinangad niya at ng kanyang administrasyon ay mailagay ang Pilipinas sa mas magandang kalagayan ngayon at sa hinaharap kumpara sa nakalipas.


Alam natin, nagtagumpay siya sa kanyang layunin pero hindi tayo titigil sa pagseserbisyo upang masigurong walang maiiiwan sa muling pagbangon ng ating bansa mula sa mga krisis na ating hinaharap. Magtulungan at magbayanihan tayo para maipagpatuloy pa ang mga magagandang nasimulan ng ating mahal na Pangulong Duterte


 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page