top of page
Search
  • BULGAR

Lahat ng negosyo ni 'Sibuyas Queen', stop

ni Mai Ancheta | May 22, 2023




Kanselahin at hindi dapat bigyan ng permit ang lahat ng negosyo sa bansa ng tinaguriang "Sibuyas Queen" na si Lilia Cruz.


Ito ang iminungkahi ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile matapos lumutang ang pangalan ni Cruz sa imbestigasyon ng Kamara sa isyu ng smuggling at hoarding ng sibuyas sa bansa.


Sinabi ng abogado ng Palasyo na kung siya ang may hurisdiksiyon ay kakanselahin niya ang mga negosyo ni Cruz at hindi iisyuhan ng permit para hindi na makapagnegosyo sa bansa.


"She is cheating the entire nation. Imagine, raking all the money in her pocket while the onion consumers are reeling with high prices. She should not be allowed to engage business in this country," ani Enrile.


Nanggagalaiting sinabi ng kalihim na may record na si Cruz at ilang beses na aniyang nahuli at nakapagtatakang hindi pa rin ito nakakasuhan at napaparusahan.


Sa sandali aniyang makansela ang mga negosyo ni Cruz ay kunin ng gobyerno ang mga iniipit nitong supply ng sibuyas at ilabas lahat sa pamilihan para hindi mahirapan ang publiko sa mataas na presyo ng sibuyas.


Sinabi ni Enrile na hayaang sa korte na maghabol si Cruz sa sandaling makumpiska ang mga kontrabando nito.


Matatandaang ibinunyag ni Congresswoman Stella Quimbo nitong nakalipas na linggo na ang mga kumpanyang pag-aari umano ni Cruz ang main player sa cartel ng sibuyas sa bansa kaya nagagawang mapataas ang presyo ng sibuyas sa bansa.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page