ni Jasmin Joy Evangelista | March 24, 2022
Bukas ang Pasig City sa campaign activities ng lahat ng kandidato, national man o local, ayon kay Mayor Vico Sotto.
“As I’ve said before, Pasig is open for campaign activities of all candidates, national and local,” ani Sotto sa isang Facebook post.
Nag-post si Sotto matapos mapag-alamang mayroong kumakalat na isyu online na hindi umano siya nagbigay ng permit sa kampanya ng kandidato.
“May mga gumawa ng kwento na hindi daw ako nagbigay ng permit, pero meron naman talaga. (Mukhang HINDI sa nasyonal nagmula ang kwento kundi dito lang sa lokal. Sana honest mistake lang.)”, paliwanag nito.
Ayon kay Sotto, awtomatiko ang approval ng permits ng city administrator “as long as the venue is allowed and it is properly coordinated for safety/security reasons.”
“KARAPATAN po ito ng mga kandidato at maganda rin pong nakikita at napakikinggan sila ng mamayang pasigueño”, ayon pa rito.
Naglabas ng pahayag si Sotto kasama ang larawan ng sulat mula sa city administrator kung saan makikitang nag-release ng permit ang Pasig para sa campaign rally ni former Sen. Ferdinand Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Commentaires