Lahat ng itinuro sa kanya, sinusubukan daw gawin… LOTLOT, IBINULGAR ANG BILIN SA KANYA NI NORA
- BULGAR
- 21 hours ago
- 2 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Apr. 26, 2025
Photo: Nora at Lotlot De Leon - IG
Nag-post sa social media si Lotlot De Leon ng letter para sa kanyang mother dearest na si Nora Aunor and here it goes…
“Hi, Ma. Ma, alam mo po I find myself talking to you everyday.. at alam ko nakikinig ka. Nasabi ko na rin naman sa ‘yo lahat, Mommy. At alam ko rin na ang bilin mo sa ‘kin ay ang mga kapatid ko at mga apo mo. ‘Yung tinuro mo sa ‘kin na maging matatag, sinusubukan ko po talagang gawin.
“Ma, maraming nagmamahal sa ‘yo. Sobra! Sana nakikita n’yo po ‘yun. They all showed up for you and our family and kame na mga anak mo, sobrang grateful po.
“Si Ian, Matet, Kiko, Ken at ako. Basta look after us always, Ma. Alam ko, hindi mo kami pababayaan sa bawat desisyon na gagawin naming magkakapatid. At lalo pa kami nagkakaisa dahil sa ‘yo. And we promise to take care of your legacy, Ma, kame ng mga kapatid ko.
“Rest easy, Ma… Your daughter forever, Lot (white heart emoji).”
SAMANTALA, na-miss ng mga manonood ang Maalaala Mo Kaya (MMK) at nagpaiyak agad sa unang episode.
Ang daming naging emosyonal sa pagbabalik ng MMK ngayong linggo.
Lumabas na ang bagong episode nito sa iWantTFC last Thursday kung saan tampok ang kuwento ng The Voice US (TVUS) Season 26 Grand Champion na si Sofronio Vasquez.
Marami ang napa-senti including yours truly nang masilayan uli ang MMK.
At s’yempre, ang nag-iisang host ng MMK na si Charo Santos pa rin ang naghahatid ng inspiring life stories every week.
Iba rin talaga kapag narinig mo ‘yung linyang “Dear, Charo…” trademark na ‘yan ng MMK, kaya marami ang natuwa sa comeback ni Charo sa programa.
“Buti si Ms. Charo pa rin ang host. Walang makakapantay sa paraan niya ng pagsasalaysay. Ramdam mo ‘yung emosyon at bigat ng mga salita kapag siya ang nagkukuwento,” saad ng Facebook (FB) user na si John Michael F. Estadilla.
“Bilang batang ‘90s, lahat ng story ng MMK, pinanood ko. Ang dami kong luhang naitapon sa kuwento ni Sofronio kasi sobrang relate ako. Pero grabe, nakakatuwa na nakabalik uli ang MMK,” comment ni Lhenegy Sanarva.
“Nakaka-inspire manood ng MMK kahit na ang dami kong iniyak. Sobrang tagos sa puso ‘yung kuwento at nagpapaalala rin na darating ‘yung araw na magbubunga rin ‘yung mga sakripisyo sa buhay,” sabi ni Rose Sapiter Ting.
Mabenta rin ang bagong version ng MMK theme song. Nagsanib-puwersa kasi si Sofronio at ang grand winner ng Tawag ng Tanghalan (TNT): School Showdown Edition na si Carmelle Collado. In fairness, maganda ang blending ng boses ng dalawa. No doubt kaya naman very deserved nila ang titulong singing champs!
Siguradong maraming excited sa next episode ng MMK dahil ipi-feature naman ang kuwento ni BINI Sheena. Siya rin kaya ang gaganap sa MMK episode niya? Well, abangan!
Available na ang bagong episode ng MMK sa iWantTFC at mapapanood din ito ngayong Sabado sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z.
Iba pa rin ang nag-iisang Charo Santos pagdating sa MMK, ‘di ba naman, Kapamilya Aaron Domingo?
‘Yun na! Boom!
Comments