Lahat ng hosts, kumpleto… ATASHA, OUT SA LENTEN PRESENTATION NG EAT BULAGA!
- BULGAR
- 22 hours ago
- 3 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | Apr. 4, 2025
Photo: Atasha Muhlach - Instagram
Uy, tila kakaiba rin ang Lenten presentation ng Eat… Bulaga! (EB!) na naging tradisyon na nga ang magbigay sa atin ng mga pampamilyang kuwento kapag Semana Santa.
Base sa mga trailer na napanood namin at sa hinati-hating EB! cast members na ibibida sa bawat araw ng Holy Week, mukhang may patalbugan ng husay ang bawat episode.
Grabe ‘yung episode nina Miles Ocampo at Jose Manalo. Iba ring umatake ng role itong si Jose, na bihira nga nating mapanood na umaarte ng drama role.
Magkakasama naman sa isang episode sina Joey de Leon at Maine Mendoza with Paolo Ballesteros, habang magkakasama rin sina Bossing Vic Sotto, Ryan Agoncillo at Ryzza Mae Dizon.
Naka-spread out sa bawat episode ang iba pang cast members ng EB!.
Hinanap namin si Atasha Muhlach na hindi namin nakita sa mga trailer na napanood namin. Mukha ngang nakapokus ang Baby Tash namin sa Viva One series niyang Bad Genius (BG).
PERSONAL ang paghanga namin sa pagiging consistent ni Kiko Estrada sa pag-acknowledge sa mga taong sa tingin niya ay kanyang pinagkakautangan ng loob.
Bukod sa mga supporters nila, producer, direktor, co-actors at mga big bosses ng TV5 at Viva Entertainment, paulit-ulit na binabanggit ng guwapong aktor ang mga kagaya natin sa media.
“I grew up with you people. Simula pa nu’ng nag-start ako dito sa showbiz, nand’yan na kayo. Thank you all for the support and guidance,” bahagi pa ng pahayag ni Kiko sa ginanap na mediacon para sa Lumuhod Ka Sa Lupa (LKSL).
Last 4 weeks na lang ng naturang action series na umabot ng isang taon sa TV, kahit pa nga nakasabay nito ang mga higanteng series ng GMA-7 at ABS-CBN, partikular na ang Batang Quiapo (BQ) ni Coco Martin.
“We are simply happy for what we have achieved. Kumbaga sa isang buong cake, we had our piece and own share of success,” dugtong pa ni Kiko.
Nakakabilib naman talaga ang batang action star dahil bukod pa sa mga ini-acknowledge niya, hindi rin niya nakalimutang banggitin ang mga yumaong sina Rudy Fernandez na siya ngang nagbida sa movie version ng LKSL, ang writer nitong si Direk Carlo J. Caparas at ang lolo niyang si Paquito Diaz.
“I truly wish na sana, nand’yan pa s’ya (Lolo Kits) at nakita n’ya ito,” medyo emosyonal pang nasambit ni Kiko.
Basta kami, ramdam na ramdam namin ang honesty at sincerity ni Kiko. Sa makailang beses na rin namin siyang nakausap, pormal o biruan, talagang napakamarespeto at magalang niya sa mga nakakatrabaho niya sa showbiz. Hindi talaga namin pinaniwalaan kailanman ang noo’y bintang sa kanya na ‘may attitude’ umano ito kaya mailap sa kanya ang full stardom.
Basta sa nalalabing 4 na linggo ng action series, tiniyak mismo ng mga big bosses ng TV5 na katabi namin sa upuan during the mediacon na sina TV5 President Guido Zaballero at TV5 COO Dino Laurena, “full-packed action ang mga aabangan,” and yes, may kasunod na action-series na muling pagbibidahan ni Kiko.
Kiko himself whispered to us, “Dodoblehin ko po talaga ang trabaho and commitment, promise.”
Kasama ni Kiko sa last four weeks ng LKSL sina Gardo Versoza, Rhen Escaño, Ryza Cenon, Althea Ruedas at si Sid Lucero.
SPEAKING of “new and exciting project” ni Kiko Estrada, muli niyang makakasama ang isa pa naming “baby” na si Sid Lucero.
Grabe ang naging bonding moment ng dalawa sa Lumuhod… to the point na mapagbibintangan mong may ‘boy love’ ang dalawa. Hahaha!
Kilalang magaling na aktor si Sid (no question about that) kaya naman very credible siya sa pagsasabing hinog na at napatunayan na ni Kiko ang kanyang pagka-action star and that he deserves to become a bigger star in the industry.
“He is very dedicated. He took risks and simply committed to his craft. Siyempre, galing din s’ya sa pamilya ng mga magagaling na artista, guwapo pa,” hirit pa ng ‘anak-anakan’ naming maituturing.
Yes, for the record mga Ka-BULGAR, noong mga 5 or 6 years old ‘yang si Sid, I used to babysit him. While in UP, naging iskolar din ako ng mga lolo’t lola niya sa mother side (tugang Bing Pimentel’s parents), and each time na tumutulong ako noon sa “orchidarium” nina Tita Lita at Tito Marcial at natitiyempong dumadalaw sila ng parents niya (Bing and Mark Gil), inaalagaan namin siya. Hahaha!
Grabe, ‘no! How time really flies.
Ngayon, tatay na tatay na si Sid and yet, ‘pag ikinukuwento namin sa kanya ‘yun, hindi siya makapaniwala na very young looking pa rin ang lola ninyo. Hahaha!
Good luck, mga baby ko. Nandito lang kami to support you, guys!
SEGERA DAFTAR 3 SITUS GACOR MUDAH MAXWIN DAN AMANAH!!!
BACAN4D
SLOT GACOR
SLOT TOTO
SLOT QRIS
TOTO TOGEL
SLOT777
SLOT MAXWIN
SITUS SLOT
SITUS TOTO
SITUS GACOR
SITUS TOTO TOGEL
SITUS SLOT QRIS
SITUS SLOT ONLINE
BACAN4D LOGIN
TS77CASINO
TS77CASINO DAFTAR
BACANSPORTS
BACANSPORTS LOGIN
GACOR777
LINK ALTERNATIF SLOT GACOR
SLOT88