top of page
Search

Laguna, Iloilo City, Cagayan De Oro, MECQ simula sa Aug. 16

BULGAR

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 13, 2021




Luluwagan ang ipinatutupad na quarantine restrictions sa Laguna, Cagayan De Oro, at Iloilo City simula sa susunod na linggo, ayon sa Malacañang.


Ang nabanggit na mga lugar ay isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) hanggang sa Aug. 15. Ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pairalin ang modified ECQ sa mga naturang lugar simula sa Agosto 16 hanggang sa August 31.


Mananatili naman sa ilalim ng ECQ ang Metro Manila hanggang sa Agosto 20, ayon kay Roque. Samantala, ang mga sumusunod na lugar ay isasailalim sa MECQ mula sa Aug. 16 hanggang 31: Aklan, Apayao, Bulacan, Cebu City, Cavite, Ilocos Norte, Iloilo Province, Lapu-Lapu City, Lucena City, Mandaue City, at Rizal Ayon kay Roque, mananatili naman sa general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions ang mga sumusunod na lugar simula sa Aug. 16 hanggang 31: Luzon: Ilocos Sur; Cagayan; Quezon at Batangas sa Calabarzon; at Naga City; Visayas: Antique, Bacolod City at Capiz sa Region 6; at Negros Oriental at Cebu; Mindanao: Zamboanga del Sur; Misamis Oriental; Davao City, Davao del Norte, Davao Occidental, at Davao de Oro.


Simula naman ngayong araw hanggang sa katapusan ng buwan ng Agosto ay isasailalim ang Tarlac sa GCQ, ayon kay Roque. GCQ rin ang papairalin sa mga sumusunod na lugar mula sa Agosto 16 hanggang sa 31: Luzon: Baguio City sa Cordillera Administrative Region; Santiago City, Quirino, Isabela at Nueva Vizcaya sa Region 2; Puerto Princesa sa Region 4-B; Guimaras at Negros Occidental sa Region 6; Zamboanga Sibugay, Zamboanga City; at Zamboanga del Norte sa Region 9; Davao Oriental at Davao del Sur sa Region 11; General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, North Cotabato at South Cotabato sa Region 12; Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Surigao del Sur at Dinagat Islands sa CARAGA; Cotabato City sa Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page