top of page
Search

Lagot sa INC… RURU AT BIANCA, ‘DI PA KASAL, NAG-KISS NA

BULGAR

ni Nitz Miralles @Bida | Mar. 24, 2025





May fan na nagtanong kung okay ba sa Iglesia ni Cristo (INC) ang pagki-kiss nina Ruru Madrid at Bianca Umali nang rumampa sila sa Bench Body of Work Fashion Show? 


Sa tanong ng fan na “Puwede ba sa INC ‘yan?” wala pang nega reaksiyon ang mga INC members.


Saka, hindi naman mahalay ang pagki-kiss ng dalawa, dumampi lang ang mga labi nila at tapos na ang eksena. Tumalikod na sila at nag-exit. 


Para sa nakararami, hot ang ginawa nila, kaya tinawag silang “hot couple” that night.

In fairness, sila lang ang nag-kiss sa runway at grabeng pasabog daw ang kanilang ginawa. 


Nakatulong na real couple ang dalawa dahil kung love team lang sila, hindi nila gagawin ang mag-kiss sa runway na maraming tao ang nakakakita.


 

SUNSHINE, UMAMING MAY AUTOIMMUNE DISEASE



Dumating at nanood si Atong Ang sa Bench Body of Work Fashion Show na ginawa sa SM MOA Arena last March 21 kung saan rumampa si Sunshine Cruz. 


Hindi lang namin sure kung nagkita sila ni Cesar Montano na nanood kasama ang partner nito ngayon to support his daughter na isa rin sa mga rumampa.


Ipinost ni Cesar ang reels sa pagrampa ng anak at sabi nito, “My ‘Buching’ Angelina Isabelle Montano on Bench ramp.” 


Nagpasalamat ang dalaga, “Thanks for coming, Daddy and Tita!! Love you, both.”

Ang ganda naman ng ngiti ni Atong nang makita na si Sunshine na rumarampa.

Samantala, very proud si Sunshine na kasama niya sa fashion show ang anak na si Angelina. 


Nag-post ito ng photos nila ng anak, “It was truly a blessing to be on stage with my daughter @angelinaisabele. I am so proud of her. My thanks to Bench for this chance. I love you, Angelina!”


May post pa si Sunshine na na-diagnose siya with an autoimmune disease. 

Aniya, “It’s been a real roller coaster these past months. I was diagnosed with an autoimmune disease called myasthenia gravis which has made building muscle a real struggle. But I’m so thankful for the strength I’ve found. Walking for Bench was a powerful reminder of what’s possible even when things are tough.”


May panawagan si Sunshine sa kapwa niya mga nanay at Gen Xers na huwag mag-give-up sa kanilang mga pangarap. 


Nagpasalamat ito kay Ben Chan for making her dream a reality. 

“I’m so honored to be part of the Bench family,” ani Sunshine.


 

ANG suwerte ni Sen. Lito Lapid, may Coco Martin siyang masipag mangampanya.

Personal ang pakiusap ni Coco sa mga botante na iboto ang senador at paulit-ulit pang ipinaalala sa mga Batangueño na pinuntahan nila last March 23 na ‘wag kalimutan ang number ni Lito sa balota.


Si Lapid naman, in-endorse ang FPJ Panday Bayanihan Partylist na pinangungunahan ni Bryan Poe-Llamanzares, anak ni Sen. Grace Poe.


Sabi ni Lapid, hindi niya malilimutan ang malaking naitulong ni FPJ sa kanilang pamilya dahil ang ama niyang si Jose Lapid ay naging stuntman noon ni FPJ.


“Walang Lapid sa pelikula kung walang FPJ. Noong ako ay nagsisimulang maging bida sa pelikula, sinuportahan ako ni FPJ,” pagbabalik-tanaw ni Lito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page