ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | March 13, 2024
![](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_3ba5abdb10eb404da635dd0159a95978~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/bd1fd9_3ba5abdb10eb404da635dd0159a95978~mv2.jpg)
May panuntunan ang aktor na si Piolo Pascual pagdating sa pananalapi.
Aniya, “Ever since magsimula akong magtrabaho from the States, 1998, I’m still grinded, kumbaga, practical ako 'pag may sobra, saka lang ko mag-i-invest. Hindi ako nangungutang.”
Nakatsikahan ni Ogie Diaz si Piolo sa kanyang Ogie Diaz Inspire vlog na uploaded sa YouTube channel nitong Lunes, Marso 11, at napag-usapan nila ang mga negosyo ngayon ng aktor na umaming marami-rami na rin mula sa mga kinita niya sa showbiz.
Pagpapatuloy ni Piolo, “Mangungutang man ako, kaya kong bayaran in one year through my hard work na alam kong kaya kong bayaran. Hindi ako bibili ng isang bagay na alam kong wala akong kakayahan or iipunin ko muna. Or kung malaki ang investment, ilo-loan ko na at kaya kong bayaran. So, practical ako, hindi ako mangungutang para sa isang bagay na hindi ko kayang panindigan. Papiso-piso, okay na ako, kailangan excess money lang talaga.
'Pag ginamit mo na ‘yung pinaghirapan mong pera, ibang usapan na ‘yun.”
Hindi itinanggi ng aktor na may utang siya at ang paliwanag niya, “Utang in such a way because you’re expanding your network and at the same time, kasama ‘yun sa business.
Kasabihan nga na ‘You don’t put all your eggs in one basket even if you have enough.' You save money for the rainy days, so you're still liquid.”
Mabuti at hindi pa na-scam si Papa P?
“Hindi kasi ako madaling maniwala, hindi ako utuin. So, pinaghirapan ko kasi ‘yung pera, eh, pinaghihirapan ko rin ‘yung trabaho. Hindi kasi ako naniniwala ru'n sa overnight (malaking kita). Doon ako sa trusted, hindi mo kailangang mag-background check,” katwiran ng aktor.
Samantala, hindi naman itinanggi ulit ni Piolo na marami siyang negosyo at karamihan ay hotels o resort, pero ang pinaka-main niya ay real estate na ipinayo sa kanya ni dating Congresswoman Vilma Santos-Recto.
“I guess it’s one of the reasons why I stay active in the business, para meron akong pang-invest, being practical and all, ‘yun lang naman ang sa akin.
“Kaya nu’ng nag-offer sa akin ang Dreamscape ng soap (Pamilya Sagrado), sabi ko, ‘Ilang days ‘yan, Tito Deo (Endrinal)?’ Sabi nya, ‘100 days’ (sabay compute sa kamay), sabi ko, 'Game!' One hundred episodes, sabi ko, okay, mas marami akong pang-invest.
“So, meron akong mga partners, tumutulong kasi wala ka namang oras for that. Pero ‘yung pinakamalaking pinagkakabisihan ko ngayon on the side is Batangas (resort).
“Kaya sabik akong magtrabaho kasi (may) pambili ng materyales, pambili ng kahoy, pambili ng bakal, so, alam mo na ilang years ko nang ginagawa. I want a house to be nice, so, hindi natatapos kaya hindi rin ako natatapos sa trabaho. ‘Yung investments, kailangan natin ‘yun kasi hindi naman tayo bata forever, kailangan natin,” pagkukuwento ng aktor na ang tinutukoy ay ang magara niyang bahay sa Batangas kung saan overlooking ang Taal Volcano at ang magandang dagat.
Ito ang dahilan na kapag walang trabaho si Piolo ay nandu’n lang siya sa Batangas.
“‘Yan ang hirap, kumpare, kapag umaalis ako ng Batangas. Kasi 'pag nandoon ako, doon lang ako, you’re detached, ayaw mo ng ingay. Para akong nasa spa 24 hours in a day. Iba ‘yung pakiramdam na nature lang ‘yung naririnig mo. Nakikita ko ‘yung sunrise, nakikita ko ‘yung sunset bago matulog. Nagha-hike naman ako bago mag-sunrise, buong araw, gising ako. Ganu’n sa probinsiya, eh, tapos 'pag gabi, tulog ka na. Tulad kagabi, 8:30 pm, tulog na ako. Mas gusto ko ‘yung buhay na ganu’n, mas simple ang buhay, hindi gumagastos, hindi ka gumigimik,” paliwanag ng aktor.
At dahil siya rin ang nag-aayos sa bahay niya, nagbubungkal siya ng lupa at nagko-construction.
“Every two days ako maligo kasi lagi naman akong nakahubad (topless). Paggising ko, amoy-lupa rin ako, so, magkakaamoy kami (laughs)."
Ang mga negosyo ng aktor na kanyang binanggit ay… “Mostly hotels and real estate, ‘yung business partner ko, ‘yung kami ni Kath (Kathryn Bernardo), siguro tatlo o apat, puro islands — Bora (Boracay), El Nido, Siquijor, and other properties na puwede kang mag-build ng hotels and resort. ‘Yun talaga ang hilig ko, eh. What keeps me afloat is the real estate ever since I started business at ‘yan ang sinabi sa akin ni Mommy Vi (Vilma), nag-save siya, at (isa sa) nagsalba ng career niya at ng personal life niya is real estate."
Paliwanag pa ng binatang-ama, “So, ever since kapag may sobra akong pera, invest ako kaagad. Hindi ako magastos, eh. I take care of my relationships with endorsements, my network, my friends, with my producers, kasi kasama ‘yun sa maganda mong iiwang legacy.”
Dumating si Ms. Vilma sa panahong nagipit siya noon pero si Piolo raw ay hindi.
“Kasi practical ako. Bata pa lang ako, mahilig ako sa paluwagan,” diin ng aktor.
Samantala, nasa Baguio City ngayon si Piolo para sa ilang linggong lock-in shoot para sa seryeng Pamilya Sagrado handog ng Dreamscape Entertainment, at makakasama ng aktor sina Tirso Cruz III, Aiko Melendez, Rosanna Roces, John Arcilla, Grae Fernandez at Kyle Echarri at Mylene Dizon.
Supporting naman sina Jeremiah Lisbo, Daniela Stranner, Alyanna Angeles, River Joseph, Iana Bernandez, Mark Manicad, Valentino Jaafar, Micaela Santos, Austin Cabatana, Dustine Mayores, JC Galano, Rocky Labayen, John Joven Uy, at Ron Angeles, Miggs Cuaderno at Emilio Daez.
Comments