top of page
Search

Lady Pirates, binihag ang Cardinals sa NCAA Volley

BULGAR

ni Gerard Arce @Sports | February 22, 2023




Mga laro sa Miyerkules:

(San Andres Sports Complex)

9:00 n.u. – Arellano Chiefs vs San Beda Red Lions (men’s)

12:00 n.t. – Arellano Lady Chiefs vs San Beda Lady Red Spikers (women’s)

2:00 n.h. – CSB Lady Blazers vs EAC Lady Generals (women’s)

4:30 n.h. – CSB Blazers vs EAC Generals (men’s)


Dinismaya ng Lyceum of the Philippines University Lady Pirates ang kapitbahay na Mapua University Lady Cardinals matapos kanain ang isang come-from-behind victory sa bisa ng 25-20, 16-25, 21-25, 25-22, 15-5, kahapon sa pamamayaning hatid ni Jewel Maligmat sa 98th National Collegiate Athletic Association (NCAA) women’s volleyball tournament, kahapon sa San Andres Sports Complex sa Malate, Manila.

Bumira si Maligmat ng lima sa kabuuang 14 puntos mula sa 10 atake at 4 aces sa huling set kabilang ang dalawang service aces upang pangunahan ang 9-1 blast para makuha ang “Battle of Intramuros” sa debut game ngayong season.

Nagawang masungkit ng Lady Pirates ang first set mula sa mabisang 13 atake, kasama ang tig-anim na aces at errors ng Lady Cardinals. Subalit nagawang makatabla ng Mapua sa set two ng bumira ng 11 puntos mula sa atake kasama ang apat aces at isang block, habang nagsimulang magkalat ng errors ang Lady Pirates sa siyam para sa 25-16.

Kahit man gumanang muli ang atake ng Lady Pirates sa third set ay naging pangunahing problema pa rin ng koponan ang 12 errors na sinamahan ng siyam atake at apat na aces ng Mapua para makuhang mamuro sa unang panalo sa 25-21.


Sunod na makakalaban ng LPU Lady Pirates ang San Sebastian College-Recoletos Lady Stags sa darating na Biyernes, habang babawi ang Mapua kontra sa kapitbahay na Letran Lady Knights sa parehong araw.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page