top of page
Search
  • BULGAR

Lady Bulldogs, nangagat, inilagay sa peligro ang UP

ni Gerard Arce at Ejeerah L. Miralles (OJT) @Sports | April 2, 2023



Binuhay muli ni reigning Rookie/MVP Mhicaela “Bella” Belen ang matatalim na pangil ng defending champion NU Lady Bulldogs upang kagatin ang namemeligrong mapatalsik na UP Lady Maroons sa bisa straight set 25-21, 27-25, 25-20 win, habang nasolo ng Adamson Lady Falcons ang second place nang walisin ang Ateneo Blue Eagles sa 25-23, 2-17, 26-24 kahapon sa 2nd round ng eliminasyon ng 85th UAAP women’s volleyball tournament sa Smart Araneta Coliseum.


Bumuhos ng game-high 19 puntos ang 20-anyos na season 84 first Outside hitter mula sa 18 atake at isang blocks kasama ang 11 excellent receptions. “Kailangan i-check pa rin like yung consistency namin and masyado pa kaming maraming errors and yung mga unang set masyado kaming nagpabaya, na para kaming diesel hindi kami agad naglaro ng maayos,” pahayag ng 5-foot-7 heavy-hitter. “Dito na babalik yung confidence namin, so kailangan talaga namin siyang ipanalo kase 'yun nga natalo kami last 2 games, so very important itong game kase babalik 'yung morale namin sa pagkapanalo.

Samantala, nanatiling undefeated ang defending champion NU Bulldogs kontra sa walang panalo na UP Fighting Maroons matapos magwagi, 25-14, 25-18, 23-25, 25-21 sa UAAP Season 85 Men’s Volleyball Tournament noong Sabado, Abril 1, sa Smart Araneta Coliseum.


Umariba ang Bulldogs power duo na sina Nico Almendras at Ken Malinis upang puspusan na maipagpatuloy ang winning streak. Naghatid ng 19 points, 13 receptions at 5 digs si Almendras habang si Malinis ay may 17 points at 6 blocks. Laglag sa 0-9 ang UP at nalalagay sa bingit ng eliminations. Kapwa magtutuos ang koponan sa Miyerkules, April 12, sa Filoil EcoOil Centre. Ang laro ay ang first game day matapos ang Semana Santa.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page