top of page
Search

Lady Bulldogs at Falcons, pormang perpekto vs. Lady Maroons at UE

BULGAR

ni Delle Primo / VA - @Sports | May 20, 2022



Perpekto ang naging simula ng National University sa UAAP Season 84 women's volleyball tournament nang walisin ang University of the Philippines (UP)sa Mall of Asia Arena.


Pumalaot ang Lady Bulldogs 25-10, 25-20, 25-15 victory, umibayo sa 7-0 ng elimination round ang pinakamalupit na simula ngayong season.


Samantala, nasagap ng Fighting Maroons ng ikaapat na diretsong talo upang tapusin ang first round sa 3-4 win-loss slate.


May 13 puntos si rookie star Michaela Belen, lahat sa kills habang si skipper Princess Robles ay dumagdag ng 12 markers kasama ang 12 digs, at may 11 puntos si Ivy Lacsina. Rumehistro ang NU ng 44 kills para sa 26 lang ng UP, at nalimitahan ang errors sa 16.


"Kailangan din namin 'tong panalo na 'to going to the second round. Kasi momentum namin 'to para ma-motivate lalo 'yung team at makapag-prepare pa kami para sa mga mas mahirap na game sa second round," ayon kay NU head coach Karl Dimaculangan.


Sa unang laro, tinapos ng Adamson ang first round sa pamamagitan ng panalo matapos walisin ang University of the East (UE), 25-23, 25-20, 25-18.


Dahil dito, nakabawi ang Adamson sa huling kabiguan nito sa kamay ng University of Santo Tomas para tumapos na may 4-3, panalo-talong baraha habang tumapos naman ang Lady Warriors na wala ni isang panalo (0-7).

Pinangunahan ni May Ann Nuque ang nasabing panalo ng Adamson sa iniskor na 15 puntos, kasunod si Lorene Toring na may 14 puntos at katuwang ang playmaker na si Louie Romero na nagtala ng 19 excellent sets. Nanguna para sa UE si Ja Lana na may 16 puntos kasunod si Ercae Nieva na may 14 puntos.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page