top of page
Search
BULGAR

Lacson sa DOH: Covid vaccines, masasayang lang!

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 2, 2021




Hinihikayat ni Senator Panfilo Lacson na paigtingin pa ng Department of Health (DOH) ang ‘information campaign’ hinggil sa mga bakuna kontra-COVID-19 upang mahimok magpabakuna ang publiko.


Aniya, "What our officials including Health Secretary Francisco Duque III should do is to improve the public's trust in vaccines, instead of just announcing when the vaccines will arrive.”


Matatandaang iniulat kahapon ang pagdating ng initial 15,000 doses ng Sputnik V COVID-19 vaccines. Kamakailan lang din nu’ng dumating ang mga bakunang Sinovac at AstraZeneca. Sa kabuuang bilang ay 4,040,600 doses ng mga bakuna na ang nakarating sa bansa.


Samantala, mahigit 1,809,801 indibidwal pa lamang ang mga nabakunahan kontra-COVID-19, kung saan 246,986 ang mga nakakumpleto sa dalawang doses at 1,562,815 naman para sa unang dose.


Paliwanag pa ni Lacson, "If very few Filipinos are willing to be vaccinated, the vaccines that actually arrive may go to waste."


“Kausapin natin ang mga kababayan natin, magkaroon tayo ng information campaign. Magtiwala kayo sa bakuna kasi sa ngayon, wala tayong ibang makakapitan kundi ang bakuna," panawagan pa niya.

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page