ni Jasmin Joy Evangelista | March 24, 2022
Nagbitiw na bilang chairman at member ng Partido Reporma si Senator Panfilo "Ping" Lacson ngayong Huwebes at ipagpapatuloy na lamang umano ang kanyang presidential bid bilang independent candidate.
Sa ginanap na press conference, sinabi ni Lacson na nagdesisyong sumuporta sa ibang presidential candidate para sa 2022 elections sina party president Pantaleon Alvarez at party secretary general Edwin Jubahib.
"Today, I officially announce my resignation as chairman and member of Partido ng Demokratikong Reporma, which effectively makes me an independent candidate for the presidency in the upcoming May 2022 elections," pahayag ni Lacson.
"Considering that it is at the behest of these top-tier officials that I was recruited as a member and the party’s standard-bearer and thereafter elected as its chairman, I believe it is only decent and proper — consistent with my time-honored uncompromising principles — to make this decision."
Nang tanungin kung sinong presidential candidate ang piniling suportahan ng Reporma, sinabi ni Lacson na mas Mabuti kung hintayin na lamang ang anunsiyo ng partido.
Sinabi rin ng presidential candidate na wala siyang “ill feelings” kina Alvarez at Jubahib.
"To Partido Reporma President, former Speaker Alvarez, Secretary-General/Davao del Norte Governor Edwin Jubahib — and the rest of the Davao del Norte Reporma candidates — let me tell you this: I harbor no ill-feelings towards you and anyone who may hereafter opt to join them in their new choice of a presidential candidate," aniya.
Hindi rin umano niya iiwan ang mga sumama sa Reporma dahil sa kanyang adbokasiya na labanan ang korapsiyon
“I am not leaving you behind. I assure you that I will be your leader and supporter in our shared convictions and aspirations. Magkakasama pa rin tayo sa laban na ito. Tulad ng paulit-ulit kong sinasabi, tuloy ang laban hanggang sa dulo!" patuloy niya.
Ngayon na tumatakbo siya sa pagkapangulo nang walang Partido, sinabi ni Lacson na siya ay "more relieved than disappointed," dahil sanay daw siyang magtrabaho independently.
Nanumpa si Lacson bilang chairman ng Partido Reporma noong July 29, 2021, kung saan ang kanyang mga adbokasiya ay — people’s sovereignty and democracy, decentralization and devolution of powers — na siyang aligned sa adbokasiya ng partido.
Komentarji