Labs ng aktres, cute raw, 75% siyang boto… IBINUKING NI GLORIA: JODI, WOMAN IN LOVE!
- BULGAR
- Apr 1
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | Apr. 1, 2025
Photo: Bulgar via Janiz Navida
“The woman in love!” ang bungad na pasabog na hirit ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz sa grand mediacon kahapon ng Regal Entertainment’s second horror film offering this year na Untold na pinagbibidahan ng aktres na si Jodi Santamaria nu’ng ipakilala nga si Jodi na bida ng pelikula at kasunod ang welcome message nito sa event.
From ear-to-ear tuloy ang ngiti ni Jodi at obyus na pinigilan si Ms. Gloria sa kasunod na puwedeng sabihin nito. Kaya ang bawi naman ng former Miss U, “She’s in love with work.”
Kaya sa Q&A, kinantiyawan namin si Tita Glo na baka puwedeng i-share ang “untold” love life ni Jodi na gumaganap na anak niya sa Untold na showing na in cinemas on April 30.
But out of respect, ipinasa ni Tita Gloria kay Jodi ang mic at ito raw ang dapat magsalita. But knowing Jodi na very private ever since sa kanyang love life, wala itong ikinuwento kung bakit siya “woman in love”.
But of course, matagal naman na silang item ni Raymart Santiago kahit pa wala silang direktang pag-amin sa kanilang relasyon, na in fairness ay napakatahimik nga at low key lang.
So, ayun na nga, nabitin kami sa pambibitin ni Jodi kaya sa one-on-one interview after the grand mediacon, si Tita Gloria na lang ang tinanong namin about Jodi’s love life, knowing kung gaano ka-honest ang beauty queen-actress, na si Jodi na nga rin ang nagsabing ‘yun ang gusto niya kay Ms. Gloria Diaz, ‘di uso rito ang sugar coating even sa pagbibigay ng payo sa kanya.
Bagama’t walang binanggit na pangalan, sinabi ni Tita Glo na happy siya for Jodi dahil nakikita niyang masaya ito sa kanyang love life.
When asked kung in-advise ba niya itong lumagay na sa tahimik, sagot ni Tita Glo, “Never. You know, one man, puwede na, but ah, if you found the perfect guy, yes. But you know what, you cannot have two bad guys in one life time.”
May kasabihan nga kasing walang ikalawang glorya, right?
Sa tanong kung boto ba siya sa ‘labs’ ni Jodi, sagot ni Tita Glo, “Ah, 75%, passing grade.”
“Cute” ang description niya sa guy, but when asked kung ano’ng nakita niya rito para masabi niyang boto siya, sagot niya, “I never said boto ako sa kanya. I just said he’s cute kaya 75% boto.”
Hahaha! ‘Kaaliw talaga ang pagiging prangka at outspoken ni Tita Glo kaya fave namin siyang mainterbyu.
Anyway, kinumusta rin namin ang love life naman ni Tita Gloria at naging open naman siya sa pagsasabing she’s in a relationship for 28 yrs. na sa kanyang non-showbiz partner na isang banker.
And take note, she’s proud na 28 years din ang age gap nila ng kanyang life partner na si Mr. Michael de Jesus na isang banker.
So, kung 73 years old na ngayon ang aktres-beauty queen (she’ll turn 74 on April 5, pero in fairness, all natural pa rin ang ganda at walang retoke, ha?), 45 yrs. old lang ang kanyang partner.
Oh, ‘di ba, iba ang ganda ni Miss Universe Gloria Diaz, ‘no?!
Sa tanong namin kung gusto pa ba niyang magpakasal uli, nagpakatotoo naman itong ayaw na niya at okay na sila sa kanilang setup.
Bongga, may forever!!!
Anyway, trailer pa lang ng Untold ay nakaka-goosebumps na at kakaibang takot ang mapi-feel mo lalo’t ang gagaling pa ng mga artistang kasama rito na bukod kina Jodi Sta. Maria at Ms. Gloria Diaz, nasa cast din sina Joem Bascon, JK Labajo, Lianne Valentin, Sarah Edwards, Kaori Oinuma at Ms. Mylene Dizon.
Mula ito sa direksiyon ng award-winning director na si Derrick Cabrido na siya ring nagdirek ng Mallari na humakot ng awards sa MMFF 2023.
Produced ito ng Regal Entertainment na pinamamahalaan ng mag-inang Roselle Monteverde at Keith Monteverde.
Comments