ni Thea Janica Teh | July 7, 2020
Nakita na ng Argentina paleontologist ang natitirang labi ng isang 70M year-old predator fish na may habang 6 metro.
Ito ay naisulat sa isang scientific journal na Alcheringa: An Australian Journal of Palaeontology.
Ayon sa isang pahayag, lumangoy ang isdang ito sa Patagonian sea sa katapusan ng Cretaceous Period nang ang temperature noon ay mas mataas kaysa ngayon.
Natagpuan ang carnivorous animal na may matalim na ngipin at nakakatakot na itsura malapit sa Colhue Huapial lake na halos 1,400 km south ng capital Buenos Aires. Ang kaniyang katawan ay payat at may matulis na malaking ulo. Mayroon itong malaking panga at malalaking pangil tulad sa pating.
Ito ay kabilang sa Xiphactinus genus na largest predatory fish na existed sa history ng buong mundo.
Comments