top of page
Search
BULGAR

Labanda at Tan, nanaig sa PSAGS Mindanao Chess

ni Eddie M. Paez Jr. - @Sports | May 27, 2021




Hiniya ni Jarvey Labanda ang mga pinapaborang dispulo ng paspasang ahedres nang pangunahan ang 53rd seed at unrated na kalahok sa National Chess Federation of the Philippines - Southeast Asian Games Selection Mindanao Leg Tournament kamakailan.


Kay Mary Joy Tan naman napunta ang unang puwesto sa kababaihan nang kumulekta ang 15th seed ng 8.5 puntos mula sa 11 salang sa board. Dinaig niya sa meta ang walong puntos nina Daren Dela Cruz, Franchesca Largo at Angela Joelle San Luis.


Nakakolekta si Labanda ng walong panalo at tatlong tabla pagkatapos ng 11 rounds sa halos walang galos na performance sa sagupaang pinag-interesang madomina ng kabuang 69 blitz chessers. Kasama sa mga hinugutan ni Labanda ng buong puntos sina pre-tournament favorite Joseph Navarro noong round 10 at 9th ranked Arj Nezil Merrilles (round 8) samantalang napuwersa niya sa hatian ng puntos sina 6th seed Karlycris Clarito Jr. (round 3) at no. 9 Leonardo Navarro (round 9).


Masuwerteng nakakuha ng bye ang dehadong chesser sa pambungad na yugto na kompetisyon pero kumayod ito para rin magwagi kontra kina Jhames Reyes Oshrie (round 3), Gabriel Hilario Allan (round 4), Josh Hernani Yreil (round 5), Mark Paguntalan Anarna (round 6) at Ritchie James Abeleda (round 7).


Kapwa nagtapos na may 9.5 puntos sina Labanda at Merille pero sa una napunta ang titulo dahil sa “winner-over-the-other-rule” at nakuntento lang sa pangalawang puwesto ang huli. Ginamit ni Navarro ang kanyang naipon na 8.5 puntos para maselyuhan ang pangatlong puwesto.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page