top of page
Search
  • BULGAR

"Laban para sa bansa, patibayan na para sa gold" -Mangliwan

ni Clyde Mariano @Sports | August 26, 2024


Sports News
Photo: Jerrold Pete Mangliwan / FB

Isa lang ang pangarap ni Jerrold Mangliwan, ang masungkit ang mailap na ginto sa Paris Paralympic Games 2024 na bigo niyang mapanalunan sa Brazil at Tokyo.


“My mission and goal in Paris is to win no less than the gold. Pipilitin ko at gagamitin ko ang lahat ng malawak na karanasan na nakuha ko sa pagsali sa maraming tournaments para matupad ko ang aking pangarap,” sabi ng 43-anyos na wheelchair racer na taga-Kalinga Apayao at kababayan ni 2000 Sydney Paralympics powerlifting bronze medalist Adeline Dumapong.


Ranked No. 8 sa world, lalahok si Mangliwan sa 400m-T52 at bakas sa mukha ang determinasyon na manalo at higitan ang pilak na napanalunan sa men’s 100m T-52 at sumosyo sa limelight nina Carlos Yulo, Nesthy Petecio at Aira Villegas.


Inamin ni Mangliwan na mahirap ang kanyang laban dahil malalakas ang mga katunggali na tulad niya gusto ring manalo ng ginto. “Nandiyan na ako wala nang atrasan. Laban na para sa bansa. Palakasan at patibayan nang dibdib ang labanan. Pinaghandaan ko ito nang husto. Physically and mentally in top shape ako,” wika ni Mangliwan.


Nanalo si Mangliwan ng ginto sa 200m at 400m T-52 sa ASEAN Para Games sa Cambodia at 2 golds  sa 100m at 200m at pilak sa 400m sa Singapore edition. Aniya, may 16 na atleta ang makakalaban niya sa events sa Paris. 


Sina Mangliwan at Cendy Asuzano ang dalawang atletang kalahok sa athletics. Lalaban ang Marikina native na si Asuzano sa javelin. 


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page