top of page
Search

Lab For All: Bagong love language ng Pag-IBIG Fund

BULGAR

ni Fely Ng @Bulgarific | June 3, 2024



Hello, Bulgarians! Inilunsad ng Pag-IBIG Fund ang Lingkod Pag-IBIG on Wheels (LPOW) habang nasa Lab For All sa Subic Bay Exhibition & Convention Center noong Mayo 21, 2024.


File photo


Ang Lab for All, mula sa inisyatiba na pinamumunuan ni First Lady Liza Araneta-Marcos, ay naglalayon na palawigin ang mga serbisyong medikal at mga benepisyo sa social security sa mga komunidad sa buong bansa. Bilang bahagi ng pagsisikap na ito, ang LPOW ng Pag-IBIG Fund ay nasa site, na nagdadala ng mahahalagang serbisyo tulad ng membership registration, cash loan, housing loan applications, at pag-iisyu ng Pag-IBIG Loyalty Plus card, sa mismong komunidad na pinaglilingkuran nito.


Ipinahayag ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta ang kanyang suporta sa pangunguna. “We are happy to continue participating in future Lab for All deployments. Our LPOW is prepared to mobilize nationwide. As Lingkod Pag-IBIG, we are committed to ensuring our members feel the warmth of Pag-IBIG through our programs and services, wherever they may be,” sabi ni Acosta.

 

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page