top of page
Search
  • BULGAR

Kylie, break na uli sa bagong BF?

ni Angela Fernando @Entertainment News | August 7, 2024


Sports News
Photo: Kylie Padilla / IG

Nagbahagi ang aktres na si Kylie Nicole Padilla ng ilan sa kanyang likhang tula sa Instagram story at tila quit na ang aktres sa usaping pag-ibig.


Sa mga tula kasing isinulat ni Kylie, sinabi niya ritong ilang beses niyang pinili ang pagmamahal kaya lang ay never naman siyang pinili pabalik ng pag-ibig.


Maraming netizens tuloy ang naintriga dahil sa magaganda at emosyonal na tula ng aktres lalo pa't natsitsismis ngayong okay na sa mga anak nila ng aktor na si Aljur Abrenica ang sinasabing mystery partner ni Kylie.


Wala pa namang linaw kung ano talaga ang pinapatungkulan ng mga akda ng aktres o kung ito ba'y gawa lang talaga ng imahinasyon niya o mula sa experience niya bilang isang taong nasaktan at nabigo dahil sa pag-ibig

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page