ni Sr. Socrates Magnus II - @Karunungang Lihim| August 3, 2020
Bigyang-daan natin ang pagpapatuloy sa pagtalakay ng mga bagay na kailangang gawin ng tao, may COVID-19 pandemic man o wala.
Muli, hindi totoong walang gamot sa COVID-19. Maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay naniniwala na may gamot dito, kaya inanunsiyo niya na bibigyan ng milyun-milyong piso ang sinumang makahanap ng gamot sa COVID-19.
Kahit naman matanda at mukhang mahina na ang pangulo, alam na alam niya ang kanyang sinasabi at buo ang kanyang paniniwala na may gamot sa COVID-19.
Sa kasaysayan ng medisina sa buong mundo, ang nagsasabi na walang gamot sa isang sakit o karamdaman ay napapahiya lang sa huli.
Tulad ng naitala sa kasaysayan na may isang tao na nag-eeksperimento at naghahanap ng gamot laban sa influenza virus sa Laboratory of the Inoculation Department at St. Mary’s Hospital in London noong 1928.
Ang taong ito ay si Sir Alexander Fleming, Scottish researcher. Noong nag-experiment siya kung paano gagamutin ang trangkaso, napagod siya dahil sa mahabang araw ng kanyang pagsasaliksik.
Iniwan niya ang kanyang laboratoryo at siya ay nagbakasyon. Sa pagbabakasyon, alam niyang makakabawi siya ng sigla at lakas para muling manaliksik ng gamot laban sa influenza.
Sa kanyang pagbabalik, laking-gulat ni Fleming dahil nakita niya na ang mikorbyong staphylococcus ay hindi dumami at sa halip ay namatay pa.
Sa ganito nagsimula ang pagkakadiskubre sa penicillin, kaya si Fleming ay kinikilalang naka-discover ng penicillin. Sa ngayon, ang penicillin ang most used antibiotic sa buong mundo.
Ito ay nagpapakitang wala pa ring gamot laban sa staphylococcus bacteria dahil hindi naman sinasadya na madiskubre ni Fleming ang penicillin.
Tulad ngayon, ayon sa Department of Health (DOH), walang gamot sa COVID-19, parang hindi nalalayo pabalik sa kasaysayan ng medisina na walang gamot laban sa mga mikrobyo, pero mayroon naman pala.
Ang ibig sabihin ng “discover” ay mayroon, kaya lang hahanapin o didiskubrehin pa. Ito ang tunay na dahilan kung bakit ang mga pangulo ng lahat ng bansa ay naniniwala na may gamot sa COVID-19 kaya tulad ng ating pangulo, sila rin ay umaasa na may madidiskober na gamot.
Hindi lang ang kasaysayan ni Fleming at penicillin ang naitala dahil marami pang mga sakit ang inakala na walang gamot o karamdamang walang lunas o salot na naminsala sa buong mundo at sa huli ay may nadiskubreng gamot at lunas na noon pala ay ginagawa nang traditional medicine.
Kaya sa mga nagsasabing hindi gamot ang ganito at ganu’n o hindi lunas ang ganito at ganu’n na ginagawa ng mga tao para labanan ang COVID-19 ay mali dahil sinisira nila ang positibong dikarte ng mga gustong makatulong sa paghahanap ng lunas sa COVID-19.
Itutuloy
Comentarios