ni Jasmin Joy Evangelista | December 18, 2021
Total blackout ang buong Bohol at Biliran sa Visayas pati na ang Camiguin at Surigao del Norte sa Mindanao dahil sa pananalanta ng bagyong Odette.
Wala ring kuryente ang bahagi ng lalawigan ng Cebu, Iloilo, Negros Occidental, Negros Oriental, Leyte, Southern Leyte, Eastern Samar, Capiz at Antique.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NCGP), hindi sila sigurado kung maibabalik ang kuryente sa Pasko, o 7 araw mula ngayon.
"At this point talagang ‘di pa kami makakapagbigay ng definite timeline kasi ‘di pa talaga kumpleto sa amin yung complete picture, ‘di pa namin nakikita ang extent ng damage," paliwanag ni NCGP technical management department head Randy Galang.
Gayunman, tiniyak naman ng Department of Energy na sisikapin ng gobyernong maibalik ang power supply bago mag-Pasko.
Comments