ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 12, 2021
Sang-ayon si Angel Locsin na mapatalsik si Department of Health Secretary Francisco Duque III sa puwesto nito.
Sa interbyu ng King of Talk na si Boy Abunda sa humanitarian actress-philanthropist, tinanong si Angel na kung siya raw ang presidente ng Pilipinas, willing ba siyang i-fire ang DoH secretary?
Ang sagot ni Angel, ipa-fire niya si Secretary Duque para mabigyan daw ng peace of mind ang sambayanan.
Ani ng misis ni Neil Arce, “I think it’s really timely. Kailangan ng peace of mind ng mga tao. I’m going to answer that not because inaakusahan ko ‘yung tao. Walang ganu’n. Magiging objective lang tayo. Kasi ako rin naman, naakusahan publicly without going through due process. So, hindi magandang pakiramdam ‘yun.
“Kung magiging objective lang tayo rito, walang kung anuman ‘yung nararamdaman ko, nararamdaman n’yo, tanggalin n’yo. Kung ano lang ‘yung kailangan natin, I would say kung ako ‘yung presidente ng Pilipinas, yes, I will fire Secretary Duque.”
Dagdag pa ni Angel, “Not because naniniwala ako he is corrupt. Wala po sa ganu’n, but because ‘yung pag-e-explain lang sa mga tao na dito napunta ‘yung tax natin na binabayaran, I think kakain na ‘yun ng oras. Isa sa mga magagandang ibigay sana ng gobyerno natin ngayon, eh, ‘yung peace of mind ng mga tao. At hope na bukas, paggising natin, may magandang mangyayari.
“So, para gawin ‘yun, kakain ng napakaraming oras para ma-explain ‘yung sarili niya. Sino ngayon ang tututok sa pandemic response na kailangan din nating tutukan? Because ito rin ‘yung number one kalaban natin, ‘di ba?”
Concerned naman daw siya sa kalihim, noting that the DOH secretary might have felt overwhelmed with the allegations he’s facing and the pandemic response.
“So, kawawa naman siya masyado kung sabay niyang tututukan. So, ‘yun ang nasa isip ko lang. That’s my opinion. Para ma-pacify ang mga tao, bigyan ng time ‘to para masagot. Bigyan ‘to ng proper evidence, facts, i-clear niya ‘yung pangalan niya.
“Ito naman, may magpapatakbo to pacify the health workers na pagod na pagod din ngayon.”
Comments