ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | Nov. 20, 2024
Photo: Nadine Lustre - IG
Nagatibo ang dating ni Nadine Lustre mula sa ilang netizens at supporters niya dahil sa pag-eendorso ng online casino.
Bago tinanggap ni Nadine ang offer ay dumaan ito sa kanyang management company at tiyak na pinag-usapan nila ang pros and cons kapag tinanggap ito ng aktres.
Ang hindi lang din namin maintindihan ay bakit grabe ang bashing kay Nadine, gayung hindi naman ganito ang ginawa kina Alden Richards, Piolo Pascual at Maine Mendoza na pawang wholesome ang imahe at may mga adbokasiya rin sa pag-eendorso ng online casino.
Ano ang pagkakaiba ni Nadine sa mga nabanggit?
Anyway, to the rescue ang Pambansang Marites na si Xian Gaza kay Nadine at talagang binarag niya ang mga bashers at haters ng aktres sa kanyang inilabas na open letter sa Facebook (FB) account niya na may 2.2M followers.
“OPEN LETTER TO ALL THE HATERS & BASHERS OF NADINE LUSTRE:
“Matumal na si Nadine ngayon, walang projects. Kung mayroon man, eh, papitik-pitik lang at sobrang barya ng TF (talent fee).
“May mga loan na kailangang bayaran ‘yung tao. May mga bills na kailangang habulin buwan-buwan. May lifestyle na kailangang i-maintain.
“May mga buhay rin na umaasa sa kanya. Ang hindi ko maunawaan, eh, kung bakit n’yo ika-cancel ‘yung tao nang dahil lamang sa isang post promoting a gambling platform?
“Kasi maraming maeengganyo? Maraming buhay ang masisira? In what way? Nag-livestreaming ba s’ya? Hindi naman. Brand ambassadress lang ‘yung tao, napakalaki ng offer.
“‘Yung lahat ng kinita n’ya from June 2022 to September 2024 ay kulang pa sa ibinigay sa kanya para sa isang project na ‘to. Bakit hindi n’ya tatanggapin?
“Napakalinis n’yo naman pala, napaka-righteous n’yo. ‘Yung buhay ng ibang tao ay iniisip n’yo pero ‘yung buhay ng celebrity ay hindi n’yo kino-consider. Masyado na kayong woke, lost in touch na kayo sa reality.
“Nakasira ba s’ya ng pamilya by doing one promotional post? Hell no! ‘Yung maglalaro lang d’yan ay ‘yung mga taong lulong na rin sa ibang platform kagaya ng Casinyeam.
“Kinakapos ‘yung tao financially kaya dumidiskarte siya sa buhay sa marangal na paraan tapos iba-bash n’yo pa at dudurugin ang mental health?
“Grabe naman kayo. Nang-scam ba s’ya? Nanloko ba s’ya ng kapwa? Hindi naman. Sana sa bawat ideyalismo na ating ipinaglalaban, eh, maging realistic din tayo paminsan-minsan.
“Boycottin n’yo ‘yung platform pero ‘wag n’yo namang husgahan ‘yung buong pagkatao ni Nadine nang dahil lamang sa isang bagay na magbibigay ng solusyon sa mga pinagdadaanan niya ngayon sa buhay - Xian Gaza.”
Habang isinusulat namin ang balitang ito ay nasa 34,000 ang engagements at 1,500 shares ang naturang post.
Kommentare