ni Julie Bonifacio @Winner | Nov. 13, 2024
Photo: Amy Perez at Ai Ai Delas Alas - Instagram
Inamin ni Amy Perez na nakaranas din siya ng cheating mula sa kanyang unang asawa sa ginanap na DWPM Teleradyo Serbisyo/Radyo 630 Thanksgiving Media Conference sa Seda Vertis North sa Quezon City kahapon.
Tinanong kasi si Amy kung nakaka-relate siya sa mga payong ibinibigay niya sa kanyang programa na Ako ‘To Si T'yang Amy (ATSTA) sa DWPM Radyo 630 every Friday from 3 PM to 4 PM.
Hindi raw niya pinipilit ang kanyang mga listeners sa ano ang gusto niyang gawin for a particular problem.
“Hindi s’ya one size fits all. At the end of the day, I will give you options,” sey ni Amy.
Marami na rin daw siyang pinagdaanan sa buhay at ang mga natutunan niya rito ang nakakatulong sa pagbibigay niya ng payo tulad sa mga naloko ng kanilang asawa.
And speaking of cheating, we asked Amy's views sa usaping cheating sa showbiz ngayon sa pagbubulgar ni Ai Ai delas Alas ng isa sa mga rason ng hiwalayan nila ng mister na si Gerald Sibayan.
Pahayag ni Amy, “Yes! Usung-uso ‘yan ngayon. Maraming istorya ng cheating ngayon.”
Sa tanong kung naka-relate ba siya, ang sagot niya, “Oo, naka-relate ako. ‘Yung mga payo na ibinibigay ko sa radyo, ina-apply ko rin sa sarili ko.”
Relate much si Amy dahil she once experienced na lokohin ng kanyang first husband na singer na si Brix Ferraris.
Ano’ng ginawa n’ya nu’ng nag-cheat ang asawa niya noon?
Sey niya, “Ay, di siyempre…. naku! Napakahabang proseso ‘yan. But now, I’m happy with my second husband. In fact, we’re celebrating our 10th wedding anniversary.”
Wala pa raw silang plano ng kanyang mister na si Carlo Castillo kung saan magse-celebrate ng kanilang wedding anniversary.
“Wala naman. Baka magdi-dinner lang kami mamayang gabi,” sagot ni Amy.
Pareho rin pala sina Amy at Carlo nina Ai Ai at Gerald Sibayan na ika-sampung taon din ng kasal this year.
Kuwento ni T'yang Amy, “I know. Tinext ko nga s’ya, ‘yun nga, sinabi ko sa kanya na we’re here for her, I pray for her.
“Si Ai Ai naman kasi, napakabait na tao. Napakabuti na tao, napakaganda ng puso. So, I pray that one day ay mahanap pa rin niya ang kanyang partner, na the one talaga. Or baka maayos pa rin sila ng asawa n’ya, ‘di natin masabi.”
Sagot niya sa downside ng may mas batang asawa dahil si Carlo ay mas bata rin sa kanya, “Uh, depende pa rin ‘yan sa tao. We cannot generalize, eh, actually.
“Kasi, like ako and my husband, 10 years ang gap namin, mas matanda ako sa kanya ng ten years, wala sa hitsura, ‘di ba?
“Oh, mukha s’yang mas matanda sa ‘kin. Tsaros! Magagalit sa ‘kin ang asawa ko.
“But I think, nasa tao ‘yan. Hindi naman natin puwedeng i-generalize na lahat ay ganoon. Depende. Depende sa sitwasyon, depende sa tatag ng pagkatao ng bawat isa.”
Ibinulgar niya rin kung may “loving gestures” ba sila ni Carlo.
“Ay, naku, ano, ‘pag tinatawag na niya ako ng ‘Beh,’ mga ganoon. ‘Hi, Beh!’ May kasunod na. Ay, tsaros!
“Pero hindi, ang hindi ko makakalimutan is ‘yung mga times ‘pag pinapatawa ko s’ya. ‘Pag kasi sinasabi ko, ‘Grabe ka naman, sobrang in love na in love ka sa body ko,’ ganyan. Hahaha!
“So, ‘yung ganoon na may biruan ang mag-asawa na natutuwa ako dahil hanggang ngayon, ganoon pa rin kami sa isa’t isa. Kahit inookray namin ang isa’t isa, parang feeling ko, nakakadagdag ‘yun sa spark.
“Tsaka hindi kami clingy sa isa’t isa. I don’t check on him. Kunyari, may sinabi s’ya sa ‘kin na ito ang schedule sa buong araw, ‘di na ako nagtsetsek. Basta alam namin ang schedule ng bawat isa,” pahayag ni Amy Perez.
Comments