top of page
Search
BULGAR

Kung si Robin, oks pang magkaayos… PAYO NG MADIR: KYLIE, PAULIT-ULIT LANG LOLOKOHIN, ALJUR,

WAG NANG BALIKAN!


ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 25, 2021




Sa latest post ni Kylie Padilla ay mukhang may malalim siyang hugot nang sabihing “I don't wanna be just like Mom!”


Naalala rin ni Kylie ang sinabi sa kanya noon ng kanyang Mommy Liezl na kung sakaling lolokohin siya ng kanyang asawa, 'wag na niyang babalikan at bibigyan ng second chance dahil gagawin at uulitin lang naman ito sa kanya.


Aminado si Kylie na at this point of her life, hindi siya sure kung kakayanin niya ang maging single mom at hindi na makipagbalikan kay Aljur. Iniisip din niya ang magiging sitwasyon ng dalawang anak.


Isa lang ang labis na pinanghihinayangan ni Kylie sa paghihiwalay nila ni Aljur. Nasayang daw ang mga pinlano nila para sa kanilang pamilya.


Ang ipinagtataka lang namin sa sinabi ni Kylie ay wala raw third party involved sa paghihiwalay nila ni Aljur. Pero, ayaw naman niyang magdetalye kung ano ang tunay na dahilan.


Bakit mismong si Robin Padilla ang nagsabing may third party sa hiwalayang Kylie-Aljur? Hindi sinita-kinondena ni Binoe si Aljur. Pinayuhan niyang mag-usap at ayusin ng mag-asawa ang kanilang problema.


Gusto ni Robin na mabuong muli ang pamilya nina Kylie at Aljur. Pero si Liezl na mommy ni Kylie, ang payo ay 'wag nang makipagbalikan at 'wag bigyan ng second chance ang nagtaksil na asawa.


Well, idinaan na lang ni Kylie sa pagti-TikTok ang mga personal niyang problema. Nag-viral ang TikTok showdown nila ni Andrea Torres.


All-set na rin si Kylie sa kanyang pagbabalik upang umarteng muli.


Samantala, fake news ang balitang makakasama siya sa seryeng pagbibidahan ni Ruru Madrid. Sina Shaira Diaz at Arra San Agustin ang leading ladies ni Ruru sa Lolong, hindi si Kylie.


Kaya naman, nanghihinayang ang KyRu fans dahil gusto nilang mapanood muli ang kanilang mga idolo.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page