ni Rohn Romulo - @Run Wild | August 8, 2020
Ikinadismaya ng mga netizens ang muling pagkaudlot ng talk show ni Kris Aquino na Love Life with Kris sa TV5 na magpa-pilot na sana sa August 15.
Sa ginanap na Zoom virtual presscon last Thursday na pinangunahan nina TV5 President and CEO Robert Galang at TV5 Head of Programming Direk Perci Intalan, hindi nga kasama ang show ni Kris sa TV plug ng mga new shows na kinabibilangan ng morning show na Chika, BESH! (Basta Everyday Super Happy) nina Pokwang, Pauleen Luna at Ria Atayde, Fit for Life ni Jessy Mendiola, at Usapang Real Life with Luchi Cruz-Valdez.
Back-to-back naman ang bagong game shows na Bawal na Game Show nina Wally Bayola at Paolo Ballesteros at ang Fill in the Bank nina Jose Manalo at Pokwang.
Balik-hosting na si Ryan Agoncillo sa dating talent search show na ginawang Bangon Talentadong Pinoy kung saan makakasama niya ang mga talent scouts na sina John Arcilla, Janice de Belen at Joross Gamboa sa pilot episode.
Kalat na nga ang tsika na may problemang dapat pang ayusin sa show ni Kris na may kinalaman din sa producer. Tapos, inabutan pa ng MECQ kaya hindi matutupad ang sinabing dapat daw ay taped as live.
May lumabas pang baka sa August 22 na ito umere, pero papasok na ito sa Ghost Month na ayon sa feng shui ay hindi maganda na magsimula ng bagong show sa ganitong panahon. Kaya suggestion na sa September na lang mag-pilot ang Love Life with Kris, tutal every month naman ay may gagawing pasabog ang One TV.
Bumuhos naman ang komento nang i-post ng One TV sa kanilang Facebook account ang TV plug na sinasabi nilang magpapa-"Wow!" ngayong Agosto kung saan kasama rin ang lodi sa public service, walang iba kundi ang Idol in Action ni Raffy Tulfo.
Na-excite naman ang marami dahil may shows ang JoWaPao plus 'yung morning show, na pawang produced ng APT Entertainment na matagal nang may magandang relasyon sa TV5. Kaya i-expect nang sa darating na panahon ay baka tumawid na rin si Maine Mendoza at iba pang contract stars ng Triple A Management.
Pero mukhang malabo naman si Alden Richards dahil may exclusive contract ito sa GMA-7, kahit may nag-request na bigyan din sila ng show.
Comment ng mga netizens, bakit taga-GMA ang unang nagkaroon ng shows sa One TV bukod kina Pokwang at Jessy? Sana raw, 'yung mga taga-Dos na nawalan ng trabaho ang mabigyan ng projects.
Pero ayon nga kay Direk Perci, sa shows na ipi-pitch sa kanila sila tumitingin ngayon at hindi sa mga stars. Kaya free for all na ang labanan at kahit sino ay puwede namang magkaroon ng show, basta pasok ito sa concept at content na hinahanap ng One TV para sa kanilang mga viewers.
Apela pa ng mga netizens, sana ay palakasin pa ang signal ng Kapatid Network para mas marami pang makapanood, lalo na sa pagbabalik-talk show ni Kris, na marami na talagang nag-aabang.
Pero hintay-hintay lang dahil sinisimulan na raw ang pag-a-upgrade ng signal ng One TV na papunta na rin sa digital TV tulad ng ginawa ng ABS at GMA.
Sa ngayon, 'yung mga nasa probinsiya ay makakasagap lang ng malinaw na signal kapag naka-Cignal cable at iba pang provider.
Anyway, bukod sa new offering ng One TV, may iba pang puwedeng subaybayan dahil nasa ika-4th week na ang mga Tagalized series na Gotham, Legends of Tomorrow, Furious Fire, Betty sa NY, Tierra de Reyes at ang rerun ng sikat na Mexican telenovela na Mari Mar na unti-unti nang pinapasok ng tv commercials.
Comments