top of page
Search

Kung si KC, mukhang nanay daw… SHARON, NAPAGKAMALANG ANAK NI SEN. KIKO HABANG NAMAMASYAL SA KOREA

BULGAR

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 29, 2022


Isinelebreyt nina Megastar Sharon Cuneta and Francis “Kiko” Pangilinan and their kids ang birthday ng former senator sa South Korea.


Makikita sa Instagram ni Megastar ang mga photos nila ni ex-Sen. Kiko and their children na sina Frankie, Miel and Miguel habang namamasyal sa South Korea.


Isa sa mga posts ni Mega ay ang piktyur habang nagdi-dinner sila sa isang Korean restaurant.


“Neybor’s birthday dinner. Koreaaaaaaa I love you and missed you so muuuuuch!” caption ni Sharon.


On the other hand, may-I-post din si former Sen. Kiko sa kanyang Instagram ng pamamasyal nila sa SK, pati na ang pamimili nila sa isang convenience store.


Caption ni Kiko, “Bumili ng bottled water at chichiria sa 7-11 sa downtown Seoul at nagbabayad lang sa cashier. Mga lakad na ganito na hindi nagagawa namin kasama mga bata sa Manila ang memorable experiences nila. 1st trip abroad in 3 years! Missing KC.”


May netizen na nakapansin kina Mega at mga anak nila ni Kiko sa piktyur. Nagmukhang anak din daw ni Kiko si Megastar.


“Grabe, Ms. Sharon, ‘di ko kayo nakilala agad. Akala ko, isa sa mga anak n’yo ‘yung naka-black, kayo po pala ‘yun. You look so young, parang kasing-edad mo lang ang mga anak mo.”


“Yes, ‘pag ‘di mo sila kilala, aakalain talaga @reallysharoncuneta, parang magkakapatid lang... Stay safe.”


In fairness, malaking bagay talaga ang pagpayat ni Mega. Ang lakas makabata at magmukhang dalaga.


Habang ang eldest naman ni Sharon na si KC Concepcion ang may kalakihan ang katawan ngayon. Dahil d’yan, bina-bash tuloy ng ilang netizens si KC na mas mukhang nanay na kesa kay Mega.


Ouch!



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page