top of page
Search
BULGAR

Kung si KC, after damayan, in-unfollow sa IG… PAULO, OBYUS NA ‘DI IN LOVE KAY KIM

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Oct. 27, 2024



Photo: KC Concepcion, Kim Chiu at Paulo Avelino - Instagram


Alam kaya ni Kim Chiu na naging mag-MU noon sina KC Concepcion at Paulo Avelino, pero hindi nauwi sa seryosong relasyon? Hindi sila naging official na mag-BF-GF.


Ayon kay KC sa kanyang interbyu nang mag-guest sa dating show ni Vice Ganda, naging close sila ni Paulo noong nagkasakit ang kanyang Mamita Elaine Cuneta. Si Paulo raw ang dumamay sa kanya noong sobrang depressed at nag-aalala siya para sa maysakit niyang lola. Kaya naging malapit sila ni Paulo at madalas silang nagkakasama. 


Ganunpaman, walang label ang kanilang relasyon; walang commitment sa isa’t isa. 

Nang magpunta si KC sa USA, matagal silang hindi nagkaroon ng komunikasyon ni Paulo. Na-block pa raw si KC sa Instagram (IG) account ni Paulo, at nag-unfollow na sila sa isa’t isa. 


Nang bumalik ng Pilipinas si KC, muli silang nagkita ni Paulo, pero hindi na nila alam ang status ng kanilang relasyon. Hanggang sa nawala na ang kilig at excitement. 

Sa closeness nina Kim at Paulo ngayon, marami ang nagsasabing hindi raw ramdam na totoong in love ang aktor kay Chinita Princess. Dumating kasi si Paulo sa buhay ni Kim noong brokenhearted ang aktres dahil sa paghihiwalay nila ni Xian Lim at naging “shoulder to cry on” niya si Paulo Avelino.


 

FIFTEEN years na rin palang bahagi ng programang It’s Showtime (IS) si Anne Curtis. Kaya naman espesyal para sa kanya ang bawat anniversary ng show. 


Mula sa kanyang pagka-dalaga, hanggang sa siya ay nag-asawa’t nagkaroon ng anak, bahagi siya ng IS. Maraming happy memories ang nabuo sa buhay niya sa show. 

Pero, ang pinaka-memorable para kay Anne ay noong nag-perform siya bilang bahagi ng 10th anniversary ng IS. Buntis siya noon pero hindi niya ipinaalam sa mga kasamahang hosts. Naitawid naman ni Anne ang kanyang performance kahit sa kanyang kalagayan.


Samantala, ngayong 15th anniversary ng IS, hinangaan din ng lahat si Kim Chiu dahil sa buwis-buhay na ginawa niya para sa Magpasikat Ka (MK) segment ng show. Naglakas-loob si Kim na maglambitin at gawin ang mala-flying trapeze act. 


Pagdating sa trabaho, napaka-professional ni Kim, lahat kinakaya niya para sa IS. Maraming mga fans ang nag-alala sa ginawa ni Kim, pero hinangaan siya ng mga hosts ng show sa pagiging isang real trooper.


 

LIKAS ang pagiging mabait at matulungin ng aktor na si Donny Pangilinan. Madalas siyang tumutulong sa mga fundraising projects for charity. Kaya naman si Donny ang agad na kumilos upang makalikom ng donations para sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine sa Bicol. 


Nag-solicit siya sa mga kakilala at kaibigan, at nanawagan upang tumulong sa mga biktima. Si Donny pa mismo ang personal na nagdala ng donations sa headquarters ng Angat Buhay Partylist. 


Tulad ng kanyang mga magulang na sina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan, matulungin si Donny sa kapwa. Lumaki siyang mabait, may malasakit sa mahihirap at marespeto sa lahat kaya sinusuwerte siya sa kanyang career. Sana, lahat ng kabataang artista ay tulad ni Donny Pangilinan.


 

DAHIL sa sariling diskarte at sipag sa kanyang trabaho, pinatunayan ni Valerie Tan na hindi lang ang pagiging look-alike niya ni Toni Gonzaga ang kanyang maipagmamalaki. 


Nagsimula siyang mag-host noong manalo siya sa talent reality search na May Trabaho Ka (MTK) bilang Public Affairs host, na ipinalabas sa GTV. 


Ngayon, napapanood si Valerie sa sarili niyang magazine show na I Heart PH tuwing Linggo, 10 AM sa GTV. Layunin ng show na i-promote ang tourism campaign na Love The Philippines. 


Ang I Heart PH ay produced ng TV8 media at tinitiyak ng Unit Business Head na si Vanessa Verzosa na marami silang itatampok na magagandang istorya at mga tourist spots na dinarayo sa Pilipinas.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page