ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Nov. 7, 2024
Photo: Vice Ganda - IG
Sa isang panayam ni Ogie Diaz kay Vice Ganda (VG) ay puro biro at pang-"laptrip" lang ang mga naging kasagutan ng It's Showtime host na may kinalaman sa pulitika.
Nagbiro si VG na kung sakaling tatakbo siya sa pulitika ay ang pinakamataas daw na posisyon sa gobyerno ang agad niyang tatargetin.
“Gusto ko, presidente agad,” sey ni Vice na obyus na pagbibiro na ikinatawa ng marami sa kanyang mga faneys.
But seriously, hindi raw niya nakikita ang kanyang sarili na seryosong papasok sa pulitika, lalo na this coming 2025 elections.
Mangyayari lamang daw ito kung ito ay isang “calling” o tawag ng tadhana.
Oo nga naman, may katwiran ang katwiran, 'ika nga! Boom! ‘Yun na!
Teka, si Vice rin kaya ang nag-advise sa mister na si Ion Perez kaya umatras na ito sa pagtakbong konsehal?
FOREVER Kapamilya pa rin ang OPM icon na si Ogie Alcasid at versatile actor na si JC de Vera matapos nilang muling pumirma ng exclusive contract sa ABS-CBN nitong Nobyembre 4.
Ibinahagi ni Ogie ang kasiyahan niya sa tuwing natatawag siyang isang ‘Forever Kapamilya’.
“‘Pag sinabing Kapamilya ka, ang sarap sa puso and I mean that. It comes with feeling the honor, the distinction, and the privilege to serve. Ang sarap ng pakiramdam maging Kapamilya forever. Thank you so much for the trust and let’s keep doing it,” saad niya.
Sa kanyang pagpapatuloy bilang Kapamilya, mapapanood pa rin siya ng mga viewers sa It’s Showtime (IS) at ASAP.
Iba raw ang nararamdaman niyang saya sa tuwing umaapak sa dalawang shows lalo pa sa tuwing nakikita niyang napapasaya nila ang madlang people.
“Nararamdaman ko ‘yung ‘joy’ ‘pag naririnig ko na ‘yung ‘Papapa, papa, rapa… papapa…’
"Hindi ako nagpapa-corny or nagdadrama rito but there is this energy that I feel and sense of gratitude when you see the smiles of the madlang people and of course, what the program has gone through. It is the spirit you cannot deny.
“Sa ASAP din, when I'm singing with my friends and my wife and with people who are extremely gifted with singing and generous with their gifts, we always say that we are in service to the Filipino and that is true to its core,” sabi niya.
Tulad ni Ogie, labis din ang pasasalamat ni JC sa pagtitiwala ng network at patuloy na pagbibigay nito ng oportunidad sa kanya.
Ani JC, “I want to take this time to tell everyone how thankful and grateful I am for this day. Sa ABS-CBN kasi kineep pa rin ako. They will be needing my services pa rin. I just want everyone to know that I am still growing as an actor. Alam mo na patuloy pa rin tayong binibigyan ng magagandang opportunities. I am still challenged and motivated.”
Dagdag pa niya, simula nang maging Kapamilya siya ay kaliwa't kanan siyang binigyan ng roles na tumulong sa kanyang gumaling sa kanyang craft bilang aktor.
“Ever since naging Kapamilya ako, palagi akong tine-test ng network na gumawa ng roles outside of my box. Masasabi ko talaga na during my stay dito sa ABS-CBN, wala akong ginawang hindi challenging,” sabi niya.
Dapat din daw abangan ng publiko ang susunod niyang gagawin lalo pa at kakaiba raw ito sa mga dati pa niyang nagawa.
Kasama nina Ogie at JC sa Forever Kapamilya Network Contract Signing event sina ABS-CBN Chairman Mark Lopez, President at CEO Carlo Katigbak, Chief Operating Officer Cory Vidanes, Group Chief Financial Officer Rick Tan, TV Production Head Laurenti Dyogi, at ang manager nila na si Rey Lanada.
Samantala, puwede ring balik-balikan ng manonood ang Forever Kapamilya Network Contract Signing nina Ogie at JC sa YouTube (YT) channel ng ABS-CBN Entertainment.
Hozzászólások