ni Beth Gelena @Bulgary | Oct. 30, 2024
Photo: Jodi Sta. Maria at Albert Martinez - Lavender Fields
Nagbigay ng panalangin si Jodi Sta. Maria para sa mga naapektuhan ng Bagyong Kristine.
Ang dasal ni Jodi, “Lord we pray for all those affected by Typhoon Kristine. May they find hope, healing, and strength in the days ahead. Surround them with love and support as they rebuild their lives, Amen.”
Si Jodi ay isa sa mga bida sa Lavender Fields (LF) kasama sina Janine Gutierrez at Jericho Rosales.
Pinagpipiyestahan ngayon ng mga avid viewers ang karakter niya bilang si Jasmin Flores dahil sa pagtulong sa kanya ni Agent Zandro Fernandez played by Albert Martinez.
Ang daming nagsasabing may chemistry sina Jodi at Albert kung saan may fandom na ang dalawang Kapamilya artists, ang JodiBert.
Nagsanib-puwersa ang mga fans nina Jodi at Albert na buoin ang kanilang tandem.
Katulad ng Jericho Rosales-Janine Gutierrez, kinikilig sila kapag magkasama ang dalawang ito, lalo na ang mga fans ni Albert na mga OGs.
Bagay daw ang kanilang idol kay Jodi dahil napakaguwapo pa rin nito. Sa titig pa lang daw ni Albert, kahit sino'ng babae ay mai-in love sa kanya.
Sabagay, may katotohanan ang obserbasyon ng mga faney. Pinapanood din kasi ng inyong lingkod ang LF at masasabi naming malakas maka-attract ang titig ni Albert sa isang babae. Ang dami ngang nag-aabang kung sina Jasmin at Agent Fernandez ang magkakatuluyan.
SB19, HUMAKOT NG TROPHIES SA 16TH STAR AWARDS FOR MUSIC
Humakot ng major awards ang SB19 sa 16th Star Awards for Music nitong nakaraang October 27 na ginanap sa RCBC Plaza, Makati.
Ang kanilang mga awards ay Song of the Year (Gento), Album of the Year (Pagtatag), Duo/Group Performer of the Year at Dance Recording of the Year (Gento).
Hindi personal na natanggap ng grupo ang kanilang tropeo dahil may nauna na silang commitment.
But beforehand naman ay nagpasabi na silang hindi makakadalo dahil may concert din sila sa Araneta nu'ng gabing ‘yun.
Gayunpaman, buong pusong nagpapasalamat ang Pinoy Pop male group sa PMPC sa pagpapahalaga sa kanilang mga awitin.
Sa totoo lang, ang daming fans ng SB19 na pumunta nu'ng gabing ‘yun na karamihan ay mga GenZ.
May nakausap kaming parents ng isang 17 years old. Ani ng ina, sinamahan daw niya ang kanilang anak with her hubby dahil gusto nitong mapanood nang personal ang SB19.
Anyway, congratulations sa lahat ng mga winners sa 16th Star Awards for Music.
Mapapanood ang kabuuan ng awards night sa November 9, Saturday, 10:15 PM sa A2Z, under Airtime Marketing at idinirek ng dating actor na si Eric Quizon.
Kommentare