top of page
Search

Kung si Bea, hindi… JULIA, PASADO SA MADIR NI GERALD

BULGAR

ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 17, 2022


Happy para kay Julia Barretto ang JuRald fans nila ni Gerald Anderson sa ipinost na video clip ng aktor na kuha sa birthday celebration ng kanyang mudrakels na si Mommy Vangie sa Sofitel Manila.


Makikita kasi sa video na magkatabi sa mesa sina Julia at Mommy Vangie habang kinakantahan ng mga guests ang ina ni Gerald na magbo-blow ng birthday cake.


May part pang inayos o hinawi ni Julia ang buhok ni Mommy Vangie, na para sa mga JuRald fans, isang katibayan na tanggap na si Julia ng kanyang future mom-in-law.


Alam na alam kasi ng mga solid fans ni Gerald na hindi madaling ma-please si Mommy Vangie.


Very vocal kasi noon pa man ang ina ni Gerald na sa lahat ng naging girlfriends ng kanyang anak, kay Kim Chiu lang siya botong-boto dahil pareho silang Bisaya.


Kaya nga may mga espekulasyon noon na kaya hindi nagtagal si Gerald kina Maja Salvador at Bea Alonzo ay dahil hindi aprubado ng kanyang Mommy Vangie ang mga nakakarelasyon niya.


Eh, sobrang love na love pa naman ni Gerald ang kanyang ina kesehodang Mama's boy ang maging image niya, kaya malaking factor na tanggap ngayon si Julia ng mudra ni Gerald.


So, kung ganu'n pala, ibig sabihin kaya, si Julia na talaga ang 'the one' at huling babae sa buhay ni Gerald?


Sana naman! Aba, hindi na bumabata si Gerald 'no!


 

Ang dami talagang nababaliw sa mga Korean girl and boy groups at aminin natin, ang 'Pinas ang isa sa mga bansang grabe ang suporta sa mga K-dramas and K-pop idols.


Kaya naman ito ang dahilan kung bakit sa Pilipinas napili ng Korean girl group na Lapillus na ganapin ang kanilang first overseas tour.



Ang Lapillus ay binubuo ng anim na young girls ng MLD Entertainment mula sa iba't ibang bansa kung saan isa nga rito ay ang half-Pinay, half-Argentinean na si Chanty na dating talent ng Star Magic ng ABS-CBN. Ang iba pang members ay sina Bessie, Seowon, Shana, Yue at Haeun (youngest sa grupo).


Sa ginanap na mediacon recently for Hit Ya! Pilipinas, The Lapillus Manila tour, naikuwento nga ng mga members ng Lapillus thru their translator na na-excite sila sa mga naging kuwento ni Chanty about sa mga Pilipino na grabe kung kiligin at sumuporta sa mga K-pop idols. Kaya naman, pinili nga nilang dito muna simulan ang kanilang overseas tour.


Nakakatuwa rin ang ishinare nilang experience na na-appreciate nila ang mga pagkaing Pinoy tulad ng champorado, ube at garlic rice.


Sabi ng Chinese-American member na si Yue, “For me, Chanty introduced me to ube and also I heard it from our fans too about ube because of my hair color before. I finally tried it and it was so good. I really liked it.”


Sure kaming after ng mga una nilang natikman na Pinoy food, mas marami pang matitikman ang mga members ng Lapillus habang nandito sila sa 'Pinas lalo't napaka-hospitable nating mga Pinoy.


Last Sept. 10 and 11, nagkaroon ng official fan meetings sa Market! Market! sa Taguig and Ayala Malls Fairview Terraces sa Quezon City ang Lapillus.


Samantala, ang kanilang new single album titled Gratata will be released on September 22.


0 comments

Komentarze


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page