Kung si Aga, may Julia… GOMA, GAME KAY ANDREA
- BULGAR
- Jan 24, 2024
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | January 24, 2024

Pabor na pabor si 4th District of Leyte Representative Richard Gomez na i-live broadcast ang regular sessions na ginagawa nila sa Kongreso para mapanood ng madlang people.
Nagsimula na kasing mapanood kahapon, Jan. 23, ang Congress TV sa free to air digital channel na handog ng PTV-4 kung saan ay makikita na ng mga tao ang regular session at iba pang impormasyon ng Kongreso o Mababang Kapulungan.
Sa presscon ng Congress TV noong Jan. 22 ay isa nga sa mga dumalo si Cong. Goma na nakatsikahan namin sandali.
Aniya ay mas maganda nga na makita ng mga tao ang kanilang ginagawa.
“I’m very, very okay (with that) para makita ng tao ‘yung trabaho na ginagawa ng mga congressmen. Kasi, laging akala nila, negative masyado ‘yung Congress but they do not understand na ang daming trabahong ginagawa dito and very important.
“Number one, ‘yung pinakamalaking batas na ginagawa namin dito is really the budget law. Every year. ‘Yung budget ng buong gobyerno, ng buong Pilipinas, dito nagsisimula ‘yun. Ini-scrutinize namin ‘yun, tinitingnan namin as part of our mandate,” pahayag ni Goma.
“Maganda ngang ipakita dito kung ano ‘yung mga ginagawa namin sa district, ‘yung mga projects na nagagawa,” sey pa niya.
Bilang isang aktor naman, natanong din namin kay Cong. Goma kung okay pa sa kanya na gumawa ng movie project at aniya, game na game pa rin siya basta may magandang script.
“'Yun ‘yung sinabi ko kay Lucy (Torres, his wife), kapag may nakita akong magandang script, I don’t mind doing one again. Kasi ngayon, mabilis na ang shooting ng movie, hindi na pahabaan, eh. Ngayon, few days lang, tapos na, eh,” aniya.
When asked kung bawal na ba siyang makipag-kissing scene, sambit niya, “Ikaw naman, sayang naman.” Tawanan.
Ang huli pa raw niyang pelikula ay Three Words to Forever with Sharon Cuneta noong 2018 at hindi na raw siya nakatanggap pa ulit dahil naging busy na siya that time bilang mayor ng Ormoc City.
“Since 2nd term ko ng Mayor, bising-busy na ako talaga, eh. Pero ngayon na nasa Congress, mas light ‘yung schedule ko,” sey ng aktor-pulitiko.
Natanong din kung sino ba ang gusto niyang leading lady this time at aniya ay kahit sino naman daw.
Biniro nga siya na si Andrea Brillantes naman ang kanya dahil si Aga Muhlach ay si Julia Barretto naman ang katambal sa latest film nito.
Willing ba siyang makatrabaho si Andrea bilang leading lady?
“Kung willing sila, ‘di ba? Who am I to say no?” sey niya.
Kilala naman daw niya si Andrea kahit hindi pa niya ito nakakasama.
“Maganda naman siya,” sambit pa ng aktor-pulitiko.
Samantala, ang Congress TV ay mapapanood araw-araw, 9 AM hanggang 9 PM nationwide, sa digital Channel 14 sa Metro Manila ng PTV at online sa social media pages nito via Facebook, YouTube, Instagram, at X.
Samantala, ito ay nasa Channel 46 sa GMA Affordabox at Channel 02 sa ABS-CBN TVPlus.
Comments